—Ziexa's PoV—
Umaga na. Kaya nagsimula na kaming gumalaw-galaw ng kaunti.
Pumasok muna ako sa bahay ng panghuling beses sakaling may makita may akong importanteng gamit na makita dito.
Nakuha na nila kagabi ang mga kutsilyo dito. Kaya walang kitchen knife makikita dito.
Mga sandok, mangkok, frying pan, bas-- FRYING PAN!
Napatingin ako sa direksyon ng kusina at hinanp ang frying pan na kulay pula.
Tula nagningning ang aking mata ng makita ko ang frying pan kaya walang pag-atubili at kinuha ko ito.
Bumalik na ako sa sasakyan na ngayon ay ready na sa laban.
"Oh, ano 'yan?" bungad sa akin ni Missy.
Obvious naman siguro ba't pa nya tinanong. "Ahh, eto? Pagkain sis. Gusto mo?" pambabara ko.
"Ahh, k. Payn. Pero sis, nakatira ka ba ng shabu?" pambalik nyang sagot sa akin.
Pinatirikan ko lang sya ng mata at sya nama'y napatawa.
Bumalik na kami sa loob ng school bus. Hinanap ko si Mio at ibinigay sa kanya ang frying pan. Nagtanong pa nga sya kung anong gagawin nya sa bagay na iyon ay sinabi kong gamitin nya bilang panghampas sa mga zombies.
"Okay guys, be ready. Aalis tayo ng alas otso. For now, it's already 7:24 a.m. kaya maghanap muna kayo ng importanteng bagay sa loob. Kung pwede ay maghalughog kayo ng mabuti para may makita tayong magagandang loots. Mas okay na rin kapag may pagkain sa kusina at mga armas. Also, check all the drawers. 'Wag rin kayong magpakampante. Lahat ng sa palagay nyo ay importante ay ibaon na natin. Okay?" bilin ni Josi sa lahat kaya nagsi-tanguan lang kami bilang tugon.
Pumasok na ang iba habang ako naman ay tinawag ni Jona.
"Zia! Patulong naman mag-arrange ng gamit sa loob, pati na rin sa taas." tawag nya sa akin habang sya ay nakasilip sa bintana ng bus.
"Okay!" tanging naisagot ko at pumasok na sa loob.
—Tex's PoV—
Una kong pinasok ang kusina pero nakita ko na doon sila Mio, Missy at ang dalawang bata na sina Ruzert at Fiona na tumutulong sa pagbaba at buhat ng pagkain.
Pumasok naman ako sa loob ng isang kwarto pero tanging stock room lang ang nandon kaso medyo natigilan ako ng buksan ko ang ilaw.
Maraming kahon ang nakalagay sa sulok. Pati na rin sa bawat counter-top ng shelf. Puno ng alikabok at sapot ng gagamba ang mga kahon. Kaya nagsimula muna akong magbaba ng mga gamit.
Inuna ako ang mga nasa taas.
Tss. Mga sira-sirang laruan at damit.
Sa kanan namang kahon na ibinaba ko ay mga sirang bag.
Sa isa namang kahon na mabigat ay isang kahon ng sira na mga relo.
Lahat ba ng meron sa bahay na ito ay walang kwent-- relo! Naalala ko na! Ang mga sirang relo ay pwedeng gamitin at ilagay sa kamay para kung makagat ng zombies ay yung relo lang ang makakagat. Naalala ko tuloy ang movie na 'I am a Hero'. Sorry sa pagiging spoiler ko.
Mabilis kong inilabas ang kahon at pumasok muli sa loob at naghanap ng mga gamit.
—Ailen's PoV—
Pumasok ako sa kwarto ng sa palagay ko ay anak ng may-ari ng garage na ito.
Sa cabinet ay may mga damit roon na magulo, nagmadali sigurong umalis ang may ari ng bahay na ito.

BINABASA MO ANG
Zombious Era
Fantascienza"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...