—Zia's PoV—
Nandito pa rin kami nakatago sa stage. Napagdesisyunan namin na magpahinga muna at kumain ng loots na nakita nila Jonas.
Si Tara naman ay nakahiga pa rin at wala pang malay sa ngayon.
Binabantayan nina Missy at Jere ang mga bata.
Natutulog si Riley sa lap ni Lucas.
Si Jouno naman ay inaayos ang gamit sa ilalim ng lamesa.
Si Tex ay nakaupo malapit kay Tara para mabantayan ito. Nandoon na rim si Mint at tumutulong sa kanya.
Lahat kami ay may kanya-kanyang gawain. Napatingin ulit ako sa likod kung saan nandoon si Tara nakahiga.
Nag-aalala pa rin ako sa kondisyon nya. Lalo't babae sya at mahirap gumalaw ang mga babae mas lalo na kapag may sugat sila.
Gumalaw-galaw na ang katawan ni Tara. Sabay bukas ng kanyang mga mata. Linapitan naman siya ni Tex at ako rin ay nakiisyoso.
"Shit, inaaapoy ng lagnat si Tara!" kuda ni Tex kaya mabilis kong hinanap ang medkit.
"Kumuha ka ng paracetamol." utos sa akin ni Tex. At hinalughog ko ang medkit. May dalawang malaking kulay pula roon na dalawang gamot at kinuha ko ang isa.
"Pakainin muna natin sya bago painumin ng gamot." sabi nya kaya naman nakita kong gumawa ng sandwich si Missy bago ito binigay kay Tara.
Kinagat naman ni Tara amg tinapay at nagsimulang ngumuya ng marahan.
"Ayos ka lang ba, Tara? May masakit pa ba maliban sa braso mo? Ano?" nag-aalalang tanong ko sa kanya kaso ngumiti lang sya sa akin at umiling.
"Heto ang tubig oh!" sabay abot ni Jona ng tubig kay Tara. "Thanks."
"Pagkatapos mong kumain ay inumin mo ang gamot na ito, para mabawasan ang lagnat mo." kuda ni Tex.
Tumango lang si Tara at pinatuloy ang pagkain ng tinapay.
Kulang pa ang gamot nya, dapat syang uminom every 4 hours para mabilis na mawala ang lagnat nya.
"Alex, humanap muna tayo ng botika. Kulang ang gamot ni Tara para sa lagnat." sabi ko. Sinimulan na nyang buhayin ang makina ng bus.
Linibot namin ang paningin namin at humanap ng botika. Kailangan namin makahanap ng gamot hindi labg para sa lagnat kundi sa lahat ng sakot tulad ng ubo, sipon, sakit ng tiyan, sakit ng ulo at iba pa.
Sa 'di kalayuan ay may nakita silang nakasaradong botika. Kailangan pa nila itong sirain para lang makapasok.
"Okay, ang lalabas ngayon ay si Uno, Jere, Jona at ak--" naputol ang sasabihin ko ng pinigilan ako ni Missy. "No, hindi ka pwede sa battlefield. And who is Uno?" tanong ni Missy.
Napatingin ako kay Jouno na tulala at malalim ang iniisip.
"Wala, gawa-gawa ko lang ang nickname na iyon. Sino ang gustong pumalit sa akin?" tanong ko sa lahat.
"Ako na lang." sagot ni Lucas sabay naghandang bababa ng sasakyan. Dala-dala niya ang pala nya pang-close combat.
Ipinarknamin sa harap ng botika ang sasakyan para mabilis kaming makahakop ng mga gamot.
Nagsimula na silang bumaba ng sasakyan at maghanda para makapasok sa botika.
—Third Person's PoV—
Pagkababa nila sa sasakyan ay naghanda na ang mga binata sa posibleng mangyari.
Lumapit sila sa nakasaradong botika at tinignan kung nakalock ba ito o hindi. May lock na nakalagay sa ilalim. At para makapasok sila sa loob ay kailangan nilang sirain ang lock.
![](https://img.wattpad.com/cover/242842246-288-k867075.jpg)
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Science Fiction"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...