Chapter 23 - Dead

206 9 2
                                        

T h i r d | P e r s o n ' s | P o V

Nagpatuloy sa pagpasok at kuha ng loots ang mga kabataan. Hindi rin maiwasan na may masasalubong silang zombies kaya napapalaban sila.

Nakapasok na sila ng isa pang 7-Eleven. May mga mini-shop rin silang pinapasok para kahit kaunting loots ay may makuha sila sa loob.

Ngayon ay papasok sila sa isang mall kung saan mas marami ang makukuha nilang loots at gamit.

"Kukuha tayo ng tig-iisang basket at papasok sa part ng groceries. Maghihiwalay tayo ng shelves. Ako sa first. Sa pangalawa si Tara, ikatlo si Zia, at sa ikaapat si Noah at sa pinakalast si Rev. Mag-ingat kayo and try not to make any noise." seryosong saad ni Uno sa kanyang kasamahan.

Tumango na sila at nagparking na si Alex  sa parking loot sa limod ng mall.

Pagkaparking ay naghanda na ang mga kabataan at dinala ang mga armas laban sa mga zombies. Dala-dala rin nila ang ibang eco-bags na wala nang laman dahil ang laman nang eco-bags ay nailagay na sa ilalim ng lamesa at itinago roon.

Nagsimula na silang magbabaan. Maingat at dahan-dahan nilang ginamit ang backdoor kung saan dadaan ang mga nagparking.

And lucky them, they made it quietly. May mga dugo at zombies na nagkalat sa labas at loob. Pero maswerte pa rin sila ng pinasok na mall. Dahil malapit lang sa kanila ang department store.

Tanging glass lang ang nagde-divide sa mga ito kaya kitang-kita ang mga zombies na nasa first shelf kung saan nakaassign si Uno.

May mga zombies doon na hindi hihigit sa sampu. Mga anim ang bilang ni Zia kaya alam nyang kayang-kayang patumbahin iyon ni Uno at malaki ang tiwala na binibigay nya rito.

Hindi rin nya alam kung ano ang nararamdang paru-paro sa tiyan nya tuwing kinakausap sya ni Uno.

Dahil na rin sa tamang ehersisyo at pagkain ni Uno ay bumalik ang dating porma at mukha ng binata.
"Gwapo. Malinis. Maskulado. Perpekto. Ngunit binabae siya." pagbabalik tanaw ni Zia habang nakatingin kay Uno.

"Well, wala na akong magagawa. Nahulog na ako eh! Wala na akong magagawa kundi ang itigil na ang nararamdaman ko sa kanya." bulong nya sa sarili.

Nasasayangan man ay pinilit nyang iwaglit at alisin ang nararamdaman sa binata. Pilit rin syang umiiwas kay Uno dahil sa hiya at takot na baka bumalik ang kanyang nararamdaman at umasang mahalin sya pabalik kahit binabae ito.

"Pero, sinabi ni Alex na straight sya! So, kung straight sya ay may pag-asa ako! Kaso..." nangangambang bulong ng isip nya. "... sinarado na nya ang puso nya para sa iba. Dahil tama na ang masaktan sya ng isang beses. At ayaw nyang mangyari pa ulit iyon." dugtong nya sa isip.

"Well, aamin na lang kaya ako sa kanya? Wala namang masama kung ita-try di'ba? Pero kelan? At paano?" tamong nya at dumiretso ang paningin kay Uno.

Biglang nakaramdam si Uno ng ilang at tinignan ang kanyang kasamahan. Nakita nyang tinititigan sya ng dalaga kaya bigla na lang umiwas ang dalaga. Napapansin rin nyang parang umiiwas sa kanya si Zia.

"Mukhang may problema yata." sabi nya kaya bumalik muna sya sa pwesto at tinawag ang kasamahan na lumabas.

"Zia, mag-usap tayo." kuda nya kay Zia kaya napaigtad ito.

"A-ano naman angpag-uusapan natin?" nauutal man ay pilit itong nagsalita ng pabulong.

"Tayo." Uno replied using his baritone voice.

"Kami!? Anong kami?" bulong nya sa isipan.

"Anong tayo-- este anong pag-uusapan natin?"

"Bakit parang iwas ka these past days? May sakit ka ba? May nagawa ba akong masama? Tell me." nag-aalalang tanong ng binata kay Zia.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon