—Zia's PoV—
Dire-diretsong sinunod ni Alex ang tinuro kong direksyon habang nag-uusap naman kami ni Missy. Pinag-uusapan namin si, ugh, Ford. Yuck.
"Alam mo ba sis, kanina pa sya titig na titig sayo. Ene be!" kinikilig na tili neto.
"Tumahimik ka nga. Alam ko naman kaya nga naiirita ako eh! Argh!" napipikon kong sagot.
"Pero truth sis, kenekeleg eke. Comeback! Comeback!" bulong nya sa akin.
"Tse, kadiri. Hindi na uso ang comeback at lovelife sa gitna ng apocalypse na 'to." bulong ko sa kanya.
"Edi wow. Pero deep inside may kaunting kilig yarn." pang-asar pa nya sa akin.
"No and never. Tumahimik ka nga nagpapahinga ang tao eh." sabi ko sabay irap.
"Ayaw mo lang syang pag-usapan ganern." saad nya sabay talikod at bumalik sa upuan ng mga bata.
Kakagising lang nila at ang iba ay tulog pa. "Lexa, saan tayo pupunta?" tanong ni Tara na kinusot-kusot pa ang mukha.
"Hahanap tayo ng isang subdivision at doon tayo gagawa ng base." ako na ang sunagot sa tanong ni Tara.
"Okay. Gisingin ko na lang ang iba nating kasamahan. Oh by the way, happy monthsary sa Zombie Apocalypse." tila naaasar na dugtong nya.
"Ha? Monthsary? Naka-one month na pala ang apocalypse?" medyo natatawa kong tanong.
"Yes, I can't believe na makakasurvive tayo." dugting nya sabay tayo.
"By the way, wag mo na lang gisingin ang mga kasamahan natin. Baka pagod pa sila dahil kahapon. But, if you want to do something habang tulog pa sila ay may papagawin ako sayo." sabi ko sa kanya.
"Sige okay lang. Ano ba 'yun?" tanong nya.
"Pwedeng ikaw muna ang bumantay sa itaas habang tulog pa sila Ailen at Tex." sabi ko kaya tumango naman sya at ngumiti.
"Sige, ikaw naman muna ang bahala dito." sabi nya sabay labas at umakyat sa hagdan.
Nagpatuloy ang pagdrive ni Alex. Alex na lang itatawag ko sa kanya para hindi naman masyado awkward.
Nagulat na lang ako or should I say ang lahat ng biglang tumigil ang sasakyan. Lahat ay napatingin sa harapan kaya napamura na lang si Alex.
"Tangina!" mura ni Alex.
"Alex, may mga bata." kuda ko kaya napatigil naman sya.
"Bakit, anong problema?" tanong ni Lucas.
"May nangyari bang masama?" singit ni Jouno.
"Anong nangyari?" kuda ni Ford.
"Okay lang ba? May problema ba?" tanong naman ni Missy.
"Nawalan tayo ng gasolina. Saka ko lang naaalala. Swerte pa nga tayo ng kamakailan dahil full pa ito." sagot ni Alex kaya kumalma naman ang lahat at bumuntong-hininga.
"So, for now. Maghahanap tayo ng gasoline station. At syempre meron ding matitira dito sa loob." sagot ni Jona. Or should I say Jonas.
"Let's split to group. Pero for now, sino ang gustong sumama?" tanong ni Jouno.
Nagtaasan ng kamay si Missy, Tara, Tex, Lucas, Jona, Jouno, Jere, Ford at syempre ako. Wait, bakit magkatabi ako at ang ngalan nya? Eww.
"Pero may matitira dito sa loob ng bus. Kasama na doon si Lexa as driver. Ngayon, si Tex at ang isa pang walang weapon na dala. Ikaw. Kayong dalawa ni Tex ang matitira dito at magbantay sa mga bata." utos ni Jouno sa dalawa. Napabusangot naman si Tex dahil wala naman syang nagawang paraan para makasama at si Ford, oo sya, ay kasama ni Tex.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Science Fiction"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...