Chapter 48 - Other Side

101 4 0
                                    

➖➖➖
12•07•21
12:13 PM

Code's Note!

Dahil birthday ko ngayon, isang mabigat na bagsakan ang inupdate ko! Anim na chapters 'yan kasama na d'yan ang para sa Huwebes! Thank you for your support! Wala bang greetings d'yan? De joke, haha. Enjoys reading!

➖➖➖

T h i r d | P e r s o n ' s | P o V

Napangisi ang leader ng isang grupo dahil nakabihag na naman sila ng isang grupo. Ngunit, ikinabahahala nila ang isang lalaking nakatakas dahil sa nahulog ito sa sasakyan at nahila ng aso n'ya.

"Pakawalan mo kaming hayop ka!" sigaw ng dalaga na may straight na buhok, si Mairal. "Be careful by the words you spill young lady." animo'y demonyo itong napangisi. Natahimik naman si Mairal ngunit 'di inalis ang matalim na tingin sa lalaki.

"Anong gusto mo sa amin!?" singhal ng lalaking may d'di gaano kalakihang katawan, si Gordon. "Kailangan? Kailangan ko kayo bilang isa sa mga tagapag-gawa ko. Gagawa tayo ng isang bagong mundo. At muli nating bibinyagan ang mundo at papangalanan." parang baliw na sagot sa kanya ng lalaki.

"Baliw." bulpng ni Loraine na sakto lamg para marinig ni Ford kaya natawa ang binata ng patago. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ng lalaki at binigyan ng nakakasindak na tingin si Ford kaya umiwas lang ito.

"Ngayon, sasagutin n'yo ako ng tamaat tapat ha!?" sigaw n'ya kaya napaigtad ang kahat ng hinampas nito ang lamesang kahoy. Labag sa loob silang tumango.

"Sa'n nakatago ang iba n'yong kasamahan!?" tanong ng lalaki at gigil silang tinignan. Ngunit wala silang sinagot. "Sagutin n'yo ako!" sigaw ng lalaki kaya napaigtad sila sa takot.

"W-Wala kaming kasamahan." alanganing sagot ni Loraine. "Sabihin n'yo ang katotohanan!" hinampas ulit ng lalaki ang lamesa kaya gumawa ito ng kakaibang ingay at parang nag-crack.

"Kung gusto n'yo pala ng totoong sagot eh bakit pinagpipilitan n'yo ang mali?" sumingit si Ford. "Manahimik ka! Busalan mo silang lahat at itago sa loob ng bodega ng tatlong araw. H'wag n'yong pakainin hanggang sa hindi sila umamin ng katotohanan." nakangising utos ng lalaki.

"Bakit ba kasi pinagpililitan mo kung may kasama kami!? Eh sa wala nga!" angal ni Gordon at pilit inaalis ang braso na nakapalupot sa mga braso n'ya.

"Sandal--" natahimik si Gordon ng bigla s'yang siniko sa tiyan ng lalaking may kulay pulang buhok. "Gordon!" sigaw ni Loraine at sinubukang lapitan si Gordon ngunit nagulat sila ng marinig ang pagbaril at pagbagsak ng katawan.

"Loraine!" sigaw ni Mairal nang makitang tinaan ito sa ulo. Tuluyan nang tumulo ang luha ni Mairal at sinubukang lapitan si Loraine ngunit natigilan din s'ya. "Subukan mo lang lapitan at ikaw naman ang masunod." banta sa kanya ng lalaki habang nakatutok ang baril sa ulo n'ya.

"Bakit n'yo ginagawa ito!?" maluha-luhang sagot ni Mairal at hinawakan s'ya ng lalaking nakadilaw ng damit at hinila ang buhok.

"Aray!" angil n'ya dahil sa sakit ng anit. "M-Maawa kayo!" nagkakandautal-utal na sigaw n'ya kaya malakas s'yang hinila ng lalaki at tinapon kaya nahampas ang likod n'ya sa pader na ikinaubo n'ya.

Akmang lalapiyan pa sana s'ya ng lalaki ng sumigaw si Ford. "H'wag n'yo s'yang saktan!" pagmamakaawa n'ya kaya nabaling sa kanya ang atensyon.

"Eh kung ikaw na lang ang saktan namin!?" ngumisi ang lkai at malakas na inambahan ng suntok ang nakaluhod na si Ford. Hindi kaagad nakagalaw si Ford kaya natamaan s'ya sa mukha.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon