T h i r d | P e r s o n ' s | P o V
Napangiti ang binata ng palihim habang tinitignan n'ya ang dalagang nakayakap sa kanya ngayon at tulog.
Hindi n'ya alam kung paano nahantong sa ganong pangyayari na tuluyan n'tang mahalikan si Missy, pero sa sarili n'ya ay pilit n'yang kinukumbinsi na gusto lang n'yang patahimikin ang dalaga.
Lahat sila ay lugmok at pagod. Inaayos naman nila Claire ang mga kagamitan nila sa loob ng sasakyan. Sa taas, si Mio muna at si Rev ang nasa itaas.
Nalingkot man si Rev, ay alam n'yang para sa imabubuti ang ginawa ng kanyang kaibigan at 'di s'ya dapat magpaapekto, lalo na't kapag nakaharap s'ya sa mga kasamahan n'ya.
Mula pagkabata ay palagi s'yang napagtatawanan dahil sa lalambutin kung gumalaw dahil sa anak mayaman s'ya.
Ngunit alam n'ya sa sarili n'ya na hindi s'ya bakla at straight s'ya. Napagtitripan s'ya sa klase na lalambutin at pinagsasabihan ng masasakit na salita dahil sa galaw n'ya.
Palagi s'yang may kasama na dalawang babae kaya mas lalo pa s'yang pinagtawanan.
Lingid sa kaalaman ng lahat pati ng dalawang babae na sina Cheil at Stacy, ay may gusto si Rev kay Cheil. At gumagawa s'ya ng diskarte para malaman ang gusto at 'di gusto ng dalaga.
Palagi s'yang sumasama sa dalawa na magbestfriend at gumagawa s'ya ng paraan para mapasaya silang dalawa.
Maayos naman ang relasyon nila nung elementarya sila, pero anng tumuntong sila ng High School ay tila magbagoa ang ihip ng hangin at nasira ang dalawang taong pinagsamahan nila.
F l a s h b a c k
Ikalabing apat ng Pebrero o Valentine's Day. Ang araw ng mga puso at pagmamahalan.
Sa loob ng paaralan nila ay may mga nakatayong booths; Wedding Booths, Blindates, Flower Booths, Pop-Up Card Booths, Bouquet Booths, Chocolate Booths at marami pang nakatayo na booths sa loob ng School Ground.
Magkakasama si Cheil at Stacy. Habang si Rev ay naghahanda para sa gagawing surpresa mamaya. Lihim na may gusto si Rev simula pa lang nung nasa ikatlong baitang pa lang sila. Alam n'yang mahirap diskartehan ang dalaga dahil marami ang manliligaw nito.
Pilit n'ya lang itinatago ang nararamdaman at nagsagawa ng plano pagkatuntong ng ikaanim na baitang.
Masyado na s'yang amature sa mga bagay na ito, lalo na'y na impluwensyahan siya ng mga napapanood sa telebisyon.
"Unang plano, ligawan s'ya ng patago." bulong n'ya sa sarili at nag-isip ng mga paraan kung paano ligawan si Cheil gayung may mukha namang ihaharap si Rev, gwapo si Rev nga lang, natabunan dahil sa mga pangungitya, at pang-aasar sa kanya ng mga kaklase't kasamahan.
Ganito talaga ang mga totoong isyu sa buhay, kapag may kasama kang dalawang babae, pagkakamalan kang bakla, minsan chickboy o fuckboy.
Kapag ikaw naman ay babae na sumama sa mga lalaki, pagsasabihan ka ng malandi, pokpok at higad.
'Pag babae ka at sumuot ka ng katamtamang ikli ng shorts ay pagtsi-tsismisan ka ng mga kapitbahay n'yo at sasabihang;
"Ang landi."
"Pokpok! Tignan mo! Parang pinapakita na n'ya ang kaluluwa!"
'Pag sumuot naman ng mahahabang pantalon at damit, pagsasabihan ng maarte.
Ganyan ka judgemental ang mundo. '"Argh! Let's face reality." usal ni Rev sa sarili.
Nakasuot s'ya ngayon ng kulay itim na leather polo na sa may zipper ay may isang guhit ng makapal na pula, hindi naman ito kulay Maroon. (CCN: Wala akong hilig sa fashion, haha!)
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Bilim Kurgu"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...