Chpater 54 - Preparation

88 5 0
                                    

T h i r d | P e r s o n ' s | P o V

Maagang nagising sina Tara at Missy para maihanda ang kanilang umagahan.

Nagising na rin si Orqain dahil sa amoy na nanggagaling sa kusina.

"Anong niluluto n'yo?" tanong n'ya. "Ahm, 'yung basic foods lang na hindi masyado mabigat sa tiyan. Baka kasi mamaya kapag sa paglusob."

"Pero, diba mamayang hapon pa? kayo aalis?"

"Pampagana lang ito ng umagahan ate. Tsaka, pwede naman siguro tayo magluto ng mabibigat na pagkain. As ate Qain suggested din, at oo nga naman mamayang hapon pa." sabi ni Tara na ikinatango naman ni Missy.

"Okay! Let's get cooking!" usal ni Missy.

"Pwedeng tumulong?" tanong ni Orqain habang nakatinginsa mga ingredients na nakapatongsa lamesa.

"Sure, pakihiwaan na lang muna kami ng sibuyas at bawang, luluto tayo ng adobo at sinigang na baboy." sabi ni Missy habang inaabot ang kitchen knife at chopping board.

Nagsimula na silang magluto ay minsan pa'y nagdu-duet sa pagluto. May pakanta-kanta pang nalalaman silang tatlo at 'di na nila namalayan ang oras.

Nagising ang lahat dahil sa masarap at nakakatakam na amoy na naggagaling sa kusina.

Nakapikit man at inaantok ay tumayo sila habang sinusundan ang amoy.

Nakapikit pa rin si Claire at hinahanap kung saan nanggagaling ang amoy.

Himbis na imulat ang mata ay tumayo lang ito at sinundan ang amoy nang biglang tumama ang mukha n'ya sa pader na ikinamura n'ya. "King ina kang pader ka!"

Sabay sipa sa pader kaya tumama ang hinliliit nitong daliri sa paa kaya napaigtad ito at napaaray.

"Aray! Bwisit kang pader ka!" gigil na duro n'ya sa pader. Pero kaagad s'yang natauhan nang nmay narinig s'yang boses sa likod.

"Bakit mo dinuduro ang pinto?" taas kilay na tanong ni Tex at pasimpleng tumawa. Namula naman ang dalaga dahil sa hiya.

"W-Wala. Masama lang ang gising ko." pagsinungaling n'ya kaya tinawanan s'ya ni Tex.

"Uhmm, saan nanggagaling ang amoy na iyon? Nakakatakam." sininghot nilang dalawa ang nakakatakam na amoy hanggang sa mapadpad ang kanilang mga paa patungo sa kusina.

"Wow! Kayo ang nagluto?" manghang tanong ng dalawa habang nakatingin kila Tara. Tumango silang tatlo at sinimulang hugasan anv mga ginamit pangluto.

Nakaupo na rin ang iba nilang kasamahan sa lamesa at halatang gutom na gutom na.

Kaya hindi na sila nagpatumpik-tumpik pang maghugas ng kamay at mamumog patina rin manghilamos para feeling fresh sila habang kumakain.

Nagsimula na silang magdasal bago mag-almusal.

➖➖➖

Alas tres 'y medya ay nagsimula na silang umalis. Nagyakapan at nagtawanan. Maaga na silang umalis para saktong bababa na ang araw ay 'yun din ang oras ng paglusob nila.

Ngunit biglang kumabog ang puso ni Misssy sa 'di malamang dahialn. Para bang kinakabahan s'ya sa mangyayari.

Sa daan ay hindi nila maiwasang hindi mapalaban sa mga zombies.
Pero himbis na barilin, ay pinapatay nila ito ng mano-mano. Ayaw nilang magsayang ng bala lalo na't kailangang kailangan nila ito.

Nakasakay sa pick-up truck sina Rev, Orqain, Ford, Mio at Leo. Si Leo ang nag-da-drive ng sasakyan. Sila ang nasa likuran at sila din ang bababa kung paoatay ng mga zombies.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon