T h i r d | P e r s o n ' s | P o V
Mabilis na natapos ang paglilinis nila ng subdivision. Pero pahirapan ang malinis ang bawat bahay kaya nilinis na lang muna nila ang anim na bahay. Para naman kapag may dumagdag na kasamahan nila ay lilinisan nila ulit paisa-isa at hindi na sila mahirapan.
Ang katawan ng mga zombies ay itinapon nila sa loob ng gubat. Doon ito mabubulok at mawawala ang amoy sahil sa napapaligiran ito ng mga tanim.
Nagsimula na rin silang linisin ang loob at labas ng kanilang bahay. Pwede rin silang magpalipat-lipat ng bahay kung saan nila gusto dahil sa kanila na naman ang subdivision. Nagsimula na rin silang magtanim sa mga bakuran ng bawat bahay. May sarili na rin silang bahay kung saan pwede silang matulog, manood ng telebisyon, kumain at iba pang gawain.
Naging maayos na rin ang pakiramdam ni Tara pero hindi pa halos sya pinapagawa ng mabigat na bagay at baka bumalik ang kanyang lagnat at mahirap na.
Sa ngayon ay nagpaplano pa sila na gumawa ng tower sa main gate at second gate. Ang main gate ay kung saan sila pumasok at nang kamakailan lang ay nadiskubre nila ang second gate. At doon, ay matatagpuan ang isang magubat na parte nang syudad. Pero, pagdineretso iyon ay mapupubta sila sa kalsada kung saan sila dumaan para makapunta sa subdivision.
Nagmaktol pa nga si Zia sapagkat iyon lang pala ang pinakamadaling daanan para makadating sila kaso hindi nya nalaman na meron pa lang ganun.
"Kung gagawa tayo ng tower, kailangan nating ng materials. Okay na tayo sa kahoy right? Tanging pako, wires and other stuff lang ang kailangan natin para makagawa ng towers." pagpaplano ni Tara at tumango naman ang kasamahan para sabihing napick-up nila ang sasabihin ni Tara.
"Sa ngayon, we need to gather the materials. Puputol tayo ng puno. Pero may nagbabantay din dapat sa paligid." dugtong pa nya.
"In every direction ay may nakabantay na dalang tao, para sa close and long-range combat. Syempre may magbabantay din sa loob ng base."
"Kaya, heto ang plano. Ang magpuputol ng puno ay sina Ford, Lucas, Jouno at Mint. Ang magbabantay sa North ay si Mint at Zia. Sa East naman si Missy, at Tex Sa kanan ay nandoon si Jona, Mairal at Tex. Isasama na rin si Mairal para masanay syang makipaglaban sa mga zombies same rin ang reason kay Tex."
"Maiiwan dito sa camp ay ako, si Mio, Ailen at ang mga bata." deklara nya at nilapag ang papel sa lamesa kung saan nakaguhit ang plano.
"Dadalhin rin natin ang sasakyan at ibababa muna ang tent. At sa taas ilalagay ang puno na naputol natin. This may take for about 1 day kaya kailangan na nating gumalaw bukas ng maaga? Okay? Kaya maaga na tayong matulog ngayon para bukas ay makakapagputol na tayo ng puno at makagawa ng tayo ng tower." huling bilin ni Tara sabay labas at tinungo ang pangalawang bahay kasama si Missy, Zia at Mairal. Si Tex naman at Mio sa isa pang bahay.
Nagsama naman sina Mint, Jere, at Ford sa iisang bahay. Si Lucas ay kasama si Riley sa isang bahay. At magkakasama sina Alex, Jona at Jouno pati na rin ang batang lalaki na si Ruzert. Ang dalawang batang babae ay kela Zia nakikitulog.
Kinaumagahan ay ginawa na nila ang nasa plano at pumutol ng puno. May mga nagagambalang zombies pero kakaunti lang iyon at hindi na nila kailangan pa ng baril para mabilisang mapatay ang mga ito. Isinakay nila ang puno sa bus at drinive naman ito ni Alex na naghihintay sa loob.
Hindi naman nasisira ang railings sapagkat maayos na naiattach ang puno sa taas kaya hindi ito babagsak.
Bumalik na sila sa camp nila at hindi na sumakay pa sa UpBus at baka bumigat lalo ang sasakyan. Kaya himbis na maboring sa daan ay ginamit nila ang kutsilyo nila pang-alis ng mga matataas na talahib. Ngayon ay may mga bago na ring gamit na nakita ang mga kabataan sa loob ng mga bahay. Tulad ng grasscutter, rake, itak, axe, at iba pang panggawa ng gamit.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Ficțiune științifico-fantastică"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...
