Code's Note!
So, first of all, I want to thank you for reaching the last chapter of Zombie Apocalypse In Philippines. And I'm sorry for not updating for a long time. It's just, well, napalapit na at nasanay na ako sa POV nina Tara, at Missy, pati na rin si Zia (RiP though HAHA). And, I don't want to let go of them. But, in every story there's an ending; neither a happy one and a sad one. I hope you won't get mad to me after I posted this chapter ksks.
(Insert ko lang, download thee audio/music titled Thunder by Gabry Monte x LUM!X x Prezioso para mafeel n'yo ang laban HAHA skl)
T h i r d | P e r s o n ' s | P o V
Armado, handa at seryoso ang lahat habang nakatingin sa pintuan. Lahat sila ay may kabang nararamdaman sa kanilang dibdib, pintig nito'y parang nasa karera. Hindi mapigilan, at mabilis sa pagtibok.
Tagaktak ang malamig na pawis dahil sa takot. Takot at kaba ay ramdam na ramdam nila. Tanging pagputok ng mga baril ang maririnig sa itaas at mga sigawan ng tao.
Maya-maya ay sumenyas si Tara kela Uno na buksan ang pinto at maghanda para sa kanilang pakikipaglaban.
Gamit ang natirang piraso na kahiy ay pinaghahampas ni Uno ang doorknob hanggang sa tuluyan itong masira.
"Move!" sabay ang pagbukas at pagpormasyon para mas mapanatili silang ligtas.
Patuloy pa rin ang putukan ng baril sa itaas, ngunit ang mas ikinababahala nila ayang malalakas na pagsabog.
Ngunit kahit na ganoon ay pokus at lahat sila ay naghahanap ng paraan para makalabas.
"Wala nang tao, baka lahat sila ay nasa itaas na!" saad ni Qain. "Pero kahit na ganoon ay 'wag tayong magpakampante at maging alerto." dugtong pa nito.
May kanya-kanya silang hawak na armas. May mga kahoy silang dala na may nakausling pako.
Maya-maya'y may dinampot si Tara na isang bakal - isang tubo.
Hinalughog nila ang buong paligid kahit na sila'y pawisan sa init at bigat ng dala-dala nilang kagamitan.
"Sandali, ano po 'yung nasa itaas na 'yun?" tanong ng batang si Ardent. Gulat man ang lahat sa pagkakaalam nilang diretsona magsalita ang bata ay tinignan nila ang tinuro nito.
May nakausling kahoy at may kaunting ilaw. Kung kaya't, gamit ang tubo ay tinusok ni Tara ang umuusling kahoy na nagdahilan upang unti-unti itong bumaba at tumambad sa kanila ang hagdan.
"Ito na nga ang daan! Bilisan n'yo!" giit ni Uno at pinaunang makaakyat ang kababaihan.
"Ihanda n'yo ang sarili n'yo 'pag nakaakyat na kayo! Baka may makalaban kayo!" usal naman ni Missy.
Unang umakyat si Tex nang walang lingon, pero lahat sila ay nagulat ng bigla na lang itong natumba at tumalsik ang mga dugo.
"Te--" naputol ang ginawang pagsigaw ni Qain ng tinakpan ni Missy ang bibig nito. "Shh, k-kalma lang. Matutunton n-nila tayo." may bahid ng takot, awa at galit na salita ni Missy.
"K-Kuya Tex." paos na bulong ng batang si Ardent habang umiiyak.
"Palit tayo. Ako ang mauuna." iwas na tumingin si Uno sa kalagayan ni Tex na ngayon ay duguan ang ulo.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Ciencia Ficción"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...