-Ziexa's PoV-
Bumangon ako at napansin ko na medyo tahimik.Kaya sumigaw ako at sumigaw kay Allieh na ngayon ay nasa kwarto pa rin. "Allieh! Gising na! Bilhan mo muna ako ng shampoo!" sigaw ko. Pero wala akong narinig na sigaw sa kabilang kwarto. Napamulat ako ng bigla at naalala ang lahat ng nangyari.
Napabalikwas ako sa hinihigaan namin na ikinagulat at pagkagising ni Missy. Hindi! Hindi 'to totoo! Panaginip lang lahat ng 'to! Ilang beses kong kinusot ang aking mata at naka-ilang kisap na ako ng mata ngunit walang nagbago sa paligid.
Akala ko panaginip lang 'to! Akala ko binabangungot lang ako pero wala ehh.... Yinakap ako ni Missy at tinap ang aking likod. Tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko.
Nang tuluyan na akong nahimasmasan ay agad muna akong nagtungo sa kusina at uminom ng tubig.
Sinamahan na rin ako ni Missy. "Bes, tahan na. Shushh na makakahanap din tayo ng cure." wika ni Missy. "Pero paano kung wala? Paano kung wala nga talagang cure para sa mga nangyayari ngayon?!" tanong ko na naguguluhan. "Kalma lang, Malay mo meron pang pag-asa. May awa ang Diyos, bes." pagpapatahan nya sa akin. "Halika na! Tulungan mo akong magluto ng pagkain!" sabay kami pumunta sa stove area. Nagluto na kami ng pareho ng kinain namin kahapon.
Tapos ay naghanda na kami para sa pag patay ng mga zombies sa labas.
Gamit ko ngayon ang arnis with blades at kay Missy naman ay frying pan. Meron din syang dalawang kitchen knife na nanggaling dito sa treehouse. Naghanda kami sa pagbaba pero nagulat kami sa aming nakita. ZOMBIES!! Nasasawa na ako sa mga pagmumukha nila dahilsa kadiri na eh mabaho pa. "Luh, paano na yan?!" pagmamaktol ni Missy. "Sino bang may kasalanan?" Tanong ko na ikinangiwi nya.
"Sorna!" Wika nya ulit. "Lagot! Paano na'to?" Tanong ko. Medyo Napatingin ako sa kusina at may nakita akong isang pusa na kumakain ng tira-tira sa loob ng lata. Swerte pa ang pusa! Happy lang sila at di na prinoproblema kung paano sila mabubuhay.
Padilap-dilap lang sa lata. Wait! Lata? I've got an idea!! So, pinatapos ko munang kumain ang pusa dahil nakakahiya naman dahil baka makadisturbo.
Tapos kinuha ko ang lata at linagay sa loob ang mga tansan na nakita ko kahapon sa lamesa. Linagay ko ang tansan sa loob at pumunta sa may bintana. Nacurios naman si Missy kaya pumunta sya sa akin. "Okay,pagkatapos kong habuyin ito doon sa bintana,agad tayong lalabas,okey?" Tanong ko sa kanya na ikonatango nya. "In 1,2,3...go!" Sabay tapon ng malakas sa lata padaan sa bintana. Agad namang nagtalsikan ang mga tansan at llata na nag gawa ng malakas na ingay. Nakita ko na pumunta ang ibang zombies don at umalis. May natira naman kaya medyo may papatayin kami,mga sampu sila. Ako na ang umunang bumaba at pinaghihiwa sa ulo ang umaabang sa ilalim gamit ang kutsilyo ko.
Nang makapatay ako ng apat ay bumaba na si Missy at tinulungan akong pumatay ng zombies. Pagkatapos naming pumatay ng zombies ay agad kaming tumakbo ng walang hanggan.
Nang medyo nakalayo na kaming dalawa ay humanap na kami ng lugar na matataguan. Nakahanap kami ng isang maliit na bahay. Pumasok na kami at wala nang pake kung hindi namin bahay 'to. Like hello? May apocalypse na oh? May gana ka pa bang nagreklamo? We entered the house at nagulat nang may zombie agad na sumalubong sa amin.
"Hi! You've missed me already?! Taena nyo! Bigyan nyo naman kami ng pahinga!" saad ko. Agad naming pinagtataga sa uulo ang mga wengyang zombies. Talsikan pa nga sa mukha ko yung ibang dugo eihh.. Eww. Yuck. Kadiri!
Tumungo kami sa loob pagkatapos patayin yung mga bwesit na yun! We're lucky kasi may supplies dito! But the problem is, ang baho. Kaya pinagtulungan namin ni Missy na buhatin ang ibang zombies na mababaho. Tapos nun ay naghanap ako sa kaha Dé oro sakaling may perfume. Maarte na kung maarte! Pero grabe talaga ang amoy eih! Ambahu! Super! Pagkatapos ay nagspray ako sa paligid. Nang medyo nawala ang baho ay sinara na namin ang bintana at pinto. "Bes, dito muna tayo magpahinga. Medyo maayos rin naman dito. Alis rin naman tayo bukas!" saad ni Missy.
"Sige dito na lang rin tayo papalipas ng gabi, tsaka armor search tayo at hanap ka pala ng scratch tape, at mga matutulis na bagay. Tsaka pakikuha ang mga kutsilyo sa kusina. At bigyan mo na rin ako ng tubig!" wika ko sa kanya. "Grabe ka naman bes! Daming utos! Akala mo reyna!" maktol nya sa akin sabay alis.
Linibot ko ang aking paningin sa sala. May TV, radio, Bluetooth speaker, DVD at mga disc. Hmm... Aha! Lahat nang ito ay pwede pang magamit! Kinuha ko ang BS (Bluetooth Speaker hindi Bed Scene) at nilagay sa bag ko. Then hinintay ko si Missy na bumalik bitbit ang ilang matutulis na bagay at baso ng tubig.
Linagay ko na ang mga kailangan namin sa bag ko. Then naghanap kami ng lugar kung saan kami matutulog. Nilatag na namin handa. At nagluto ng kami ng corned beef. Medyo nasasawa na ako ket kakakain lang namin kanina kaya no choice ako.Out of a sudden, may narinig akong isang hampas. Hampas ng isang baseball bat. Sumilip ako sa sirang bintana ng bahay na ito at nakita ang isang lalaki na inaatake ng zombies.
Agad-agad kong kinuha ang baseball bat ko at akmang lalabas ng tanungin ako ni Missy. "San ka pupunta?" tanong nya. "May tao sa labas at kailangan nya ng tulong! Bilis, tulungan natin sya!" sabay labas ng sirang kubo.
Tinulungan ko ang lalaki sa pagpatay sa mga zombies. Nandidiri man at patuloy pa rin akong humahampas. Nakapatay ako ng pitong zombies. Natumba ang lalaki kaya't tinulungan ko syang tumayo. Sakto namang may zombie sa likod ko kaya napasigaw sya sa tenga ko.
Pero agad naman itong namatay matapos tusukin ni Missy ang ulo ng zombie ng isang maliit na kutsilyo.
"Halika na at baka makita pa tayo ng ibang zombies dito!" sabay takbo naming tatlo. Sinundan naman kami ng lalaki at nakarating ng ligtas sa kubo.
Nakapasok kami sa loob ng kubo at sinundan naman kami ng iba pang zombies. Kung kaya't agad naming sinara ang pinto at nga bintana.
"Sandali. Parang pamilyar ka?! Wait?! Ailen?! " tugon bigla ni Missy. "Kilala mo ako?! "
---
Who do you think Ailen is?
Magiging kaibigan kaya sya?
Or magiging traydor?
Ano ang magiging papel ni Ailen sa buhay nila Missy at Ziexa?
Vote.
Comment.
Share!
-Yackecht_Jore_06
Thanks for waiting!😊
Author's Note!
I'm back again!! Nakabili po ako ng new phone and I tried to continue this story. Nung una hindi ako makasulat pero at the end naging success naman ang lahat!! Again, thank you and love lots!!
Stay safe and healthy,
Jore😊❤
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Fiksi Ilmiah"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...