Chapter 47 - Two Years

109 4 0
                                    

T a r a' s | P o V

Paulit-ulit ang nangyayari sa bawat araw na lumipas. Ngunit sa paulit-ulit na araw na iyon ay may bago kaming natutunan.

Nakikipagbalita ako kina Ford at Lucas aa kabilang linya at kinakamusta sila. Also, nagpapalit-palitan kami ng produkto. Tulad ng pagkain, kagamitan o 'di kaya'y mahahalagang kagamitan.

Once a week, ay may nakatokang bibisita sa kanila. We know it's risky but we're taking the risk to make sure everyone is safe.

Naalala ko rin kung paano nagpanic at nagkagulo ang lahat ng manganganak na si ate Qain.

F l a s h b a c k

"Omy! Tulungan mo nga ako dito." rinig namin na tinawag ni ate Qain si Omy na ngayo'y kausap namin. "Sandali lang." aniya at lumakad patungo sa kwarto ni ate Qain.

"Aray ko. Ang hapdi." mahina man ay narinig ko iyon. "Anong nangyayari sa iyo ate? Alisin mo nga 'yang kumot mo! Baka naiinitan ka lang." sabi ni Omy kaya hindi na ako naki-isyusera pa.

Well, patiloy pa rin akong iniiwasan ni Missy. Though, mas naging malamig s'ya at tanging si Ailen lang ang kinakausap. Maikli kong sumagot at bihira ngingiti. Hindi tulad ng dating Missy.

Ganun na ba kalalim ang galit n'ya sa akin?

"Shit! Ate Qain! Tex! Tex, tawagin n'yo si Tex." nagkagulo na kami dahil sa sinigaw ni Omy kaya gumalaw si Claire at hinanap si Tex.

"Anong nangyayari?" tanong ko. "D-Dinudugo si ate Qain." nauural n'yang sagot. "Aray!" daing ni ate Qain sa loob.

"Bilisan mo!" nagulat kami ng makitang hingal na hingal si Tex pero tinutulak pa rin s'ya ni Claire. "Tara, Steph, maghanda kayo ng maligamgam na tubig. Missy, Omy, humanap kayo ng malilinis na tela o ano mang damit na pwedeng opanglinis sa bata. Claire, ikaw ang magiging assistant ko sa ngayon." nakita kong nagulat si Claire sa sinabi ni Tex. "B-Bakit ako?" nauutal n'yang tanong. "We have no choice, manganganak na ang pasyente, hurry." pumasok na sila sa loob at kami nama'y inihanda ang mga kakailanganin.

➖➖➖

Rinig namin ang paghinga ng malalim ni ate Qain sa loob. Si Omy at Stephanie ay inaaliw ang mga bata at iniiwas na mapunta dito ang mga bata.

"Hinga ng malalim." boses ni Tex. "Inhale. Exhale. Inhale. Exhale." pagpapakalma n'ya.

"H'wag kang masyadong huminga ng malalim at mahaba kung ayaw mong mag-urong sulong ang ulo ng bata at humaba ang leeg n'ya kailanga ay kalamado lang okay?" malambing na boses ni Tex.

"Ahh! Oo!" nanginginig na sagot ji ate Qain. "Ngayon, marahan kang umiri." sabi ni Tex.

"Isa, dalawa, tatlo, iri."

"Hmph!" rinig namin ang mumunting atungal ni ate Qain.

I can't bear to stand it, naiagine ko na paano kung ako ang nasa kalagayan ni ate Qain? Masakit kaya? Mahirap ba?

Pumunta ako sa kusina at nilibang ang sarili sa paghugas ng pinggan kahig nanginginig ang kamay. "Wahh!" narinig kong iyak ng bata.

Nakalabas na ang bata! Patuloy sa pag-iyak ang bata kaya mabilis kong lininis ang mga plato at pinunasan ang kamay.

Mabilis pero maingat akong tumakbo patungo sa kwarto. Nakita ko na nasa labas na sina Stephanie at Omy pati si Missy.

Nakangiti at masayang tinitignan ang nasa loob. Agad naman akong naki-isyuso at nakita kong nililinisan nila Claire ang bata habang si ate Qain ay nakamulat pa rin ang mata at halatang pagod.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon