—Third Person's PoV—
Puno ng takot, gulat, at pangamba ang nasa loob ng bus. Ngunit, sa nararamdaman naman ni Lexa ay galak. Galak na makapag-drive ulit ng bus.
Isang school bus driver dati ang kanyang ama nung sya ay bata pa lamang. Kaso sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanyang ama.
Papauwi na sana sya nang matapos nyang ihatid ang mga estudyante ay biglaan na lang nawalan ng preno ang bus at nahulog sa tulay na dinaraanan nila tuwing hinahatid ng ama nya ang mga estudyante.
Nasasabik rin sya ng makapaghiganti sa nga taong nanakit at sumagasa sa kanyang ina at kapatid.
Sariwang-sariwa ang mga alala sa isipan ni Alex.
Saktong galing sila sa paaralan ng kanyang kapatid. Kakatapos lang ng lamay ng tatay nila at naggraduate na ang bunso nyang kapatid.
Parang normal at puro tawa ang pumalibot sa paligid. Hindi mawala ang mga ngiti ng tagumpay.
Sakto sana nang dadaan sila nang nakita ni Alex na nahulog ang isang papel sa daan. Galing iyon sa kanyang kapatid. Isang drawing na nagpapakita ng pagmamahal ng ina at ama sa anak.
Saktong tatayo na sya at lumingon sa harapan nang natigilan sya nang biglang hinagupit ng malakas ang kanyang ina at kapatid ng isang truck.
Kitang-kita nya at narinig kung paano magcrack at mabali ang buto ng kaniyang ina at kapatid.
Mabilis nya itong kinapitan kahit na lantang gulay na ang kanilang katawan at lumalabas na ang laman-loob pati na rin ang utak.
Ang kanyang kapatid ay naipit ang ulo sa gulong ng truck at nagkayupi-yupi na. Habang ang kanyang ina naman ay lumabas na ang utak at bali na ang kamay.
Napag-alamang dead on arrival ang kanyang ina at kapatid. Malakas na palahaw at iyak ang palaging maririnig sa bahay ng binata. Lahat ng kanilang kapitbahay ay naaawa sa estado at sa sinapit ng pamilya nila.
Maraming umabot ng tulong sa kanya ngunit tinanggihan nya ito. Hanggang sa nakilala nya ang apat na kalalakihan na sa katotohanan ay mga sirena.
Doon nya itinuon ang atensyon sa kanila at tinuri silang higit pa sa kapatid kundi buong pamilya.
Nakangising drinive nya ang sasakyan at ramdan nya kung paano magkabali-bali ang mga buto ng zombies na bawat nasasagasaan nya.
Ang ibang zombies naman ay parang tinga na nakastuck sa supporting bars at nuhuhulog dahil sa dulas ng kanila mismong dugo.
Kinakabahan ang mga bata sa likuran kasama nila ang kanilang mga ate. Sina Tara, Missy, at Zia.
Habang sila Jona at Josi ay nakaupo at nakaseatbelt. May pangamba at pag-aalala rin sa kanilang mukha.
Naghahanda naman si Lucas at Tex sa mga posibleng mangyari kaya mariin nilang hinawak ang mga rifle na hawak nila.
Si Zia naman ay sinantabi muna ang dalawang rifle nila Ailen at Mio dahil nakalimutan nya itong ibigay sa dalawa.
Nakayakap lang ito sa mga bata na kinakabahan at naluluha.
Habang ang dalawang lalaki naman sa taas — sila Ailen at Mio ay mahigpit ang kapit sa railings pati na rin sa opentent at nangangamba na baka mahulog sila sa sasakyan.
Pilit na ipinapakalma ni Jona si Lexa sa pamamagitan ng pagtapik at paghimas sa likuran nito. Alam nya— hindi, alam nilang dalawa ni Josi ang nararamdaman at iniisip nito kaya ganito sya kung umasta.
Bumalik naman sa wisyo si Lexa at sumilip sa salamin sa taas at tinignan ang nangyayari sa likod.
Tila naawa naman sya at sinimulan nang mag dahan-dahan sa pagdrive.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Ciencia Ficción"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...