—Zia's PoV—
Gulat ang rumehistro sa mukha naming dalawa ni Missy ng makita sila Mairal at Mint na tumatago sa gilid ng basurahan.
And worst, alam naming maarte si Mairal! Pati natin si Mint! But they have to stay alive.And to stay alive we have to be smart and think sharply.
Naluha si Mairal na lumapit sa amin ni Missy at yumakap. Sinubsob nya ang kanyang ulo sa aming balikat. Umiyak at nagsimulang humagulhol.
"Salamat! Salamat at dumating kayo." huling naisabi ni Mairal bago sya tuluyang nawalan ng malay. Dala na rin siguro ng pagod. At sa pamamayat nya ay halatang hindi pa sila nakakain. Kaya na nyang titiisin 'yun!?
"Dalhin natin sya sa loob ng bus." utos ni Missy.
"Sandali lang, baka may kagat sila o baka naman ay sugat na ginawa ng zombies." naalaerto at puno ng pag-aalinlangang singit ni Tara.
Tama nga s'ya, at naiintindihan ko ang lagay nya. Gusto nya kaming maprotektahan at pati na rin ang mga bata.
"Sandali, ise-check ko." sabi ko saka kinapa at tinignan ang nasa bewang, kamay, paa, tiyan at iba pang parte ng katawan ni Mai. Same din at tinignan ko rin ang kamay ni Mint pati na ang paa, tuhod saka tiyan. Medyo awkward nga kasi lalaki sya at babae ako.
"Safe sila. Pwede silang sumama sa atin." sabi ko.
Tumango naman sila Lucas at nagsimula na kaming tumakbo patungo sa direksyon ng bus.
Buhat-buhat ni Mint ang katawan ni Mai. Halatang pagod na ito, at nagugutom sa kanya ng katawan ka lang ay mahahalata mo na.
Nagmadali kaming pumasok sa loob ng bus. May naghahabol pa rin kasing zombies kaya pinaghihiwa ko sila sa ulo.
Nang makapasok kami sa loob ay agad kong tinawag si Tex.
"Tex, tulong." ang naisabi ko kaya lumapit si Tex. Napatingin sya sa dalawa at umalis muna para kunin ang medkit.
Bumalik sya dala-dala ang nga ito. Lininisan nya ang sugat Mairal. Pati na rin kay Mint.
"Wag kayong mag-alala, minor lang naman ang sugat nya at nalipasan rin sya ng gutom. Kaya sya nahimatay ay dala na rin ng pagod at gutom. Wait, ilang araw na ba kayong hindi nakakain?" tanong ni Tex kay Mint na linilinis ang sugat sa paa.
"Tatlong araw, nung kamakailan ay nasa isang sari-sari store kami, kaso naubusan na kami ng stock kaya lumabas kami, babalik naman sana kami kasi nakita naming marami na ang mga zombies na nagkukumpulan doon. Kaya umalis kami sa barrio at lumipat dito. Pagkatungtong pa lang namin sa entrance ng city ay hinabol kaagad kami. Kaya tumago kami kahit saan. Even though, it was so stinky and dirty we still want to live kaya tumago kami sa mga tagong lugar at madudumi pa." sagot ni Mint.
"Tuwang-tuwa nga kami ng makita namin ang sasakyan nyo." dugtong pa ni Mint.
"Saan sila Jere at Ford? Kasama nyo ba sila?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi, pero nagkasama kami before the apocalypse. Nagtambay kami sa school for a while that time kahit walang pasok. Then, nagstart na, nagpanic kami at nagkahiwa-hiwalay, sigurado akong tinungo nila ang katabing abandonadong pabrika ng school." sagot ni Mint.
"Let's look for them." sabi ko at walang pag-aalinlangang sinabi kay Lexa ang patutunguhan namin.
"Pero, di'ba delikado doon? Babalik pa tayo ulit? Say ang ang gasolina." medyo naiinis at may bahid rin ng pag-alala ang boses ni Lexa.
"But, we have to look for them. Alam nyo naman siguro sa feeling na walang ka laban-laban sa nga zombies right? And the more, the stronger, the better. Kailangan pa nating ng bagong kasamahan para mas matibay ang samahan natin." sagot ko kaya walang nagawa si Lexa kundi ang bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Bilim Kurgu"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...