-Ziexa's PoV-
Pagpihit ko ng pinto palabas ng kusina ay agad akong nagulat sa aking nakita.May isang lalaki na nakaluhod at linalapa ang kapitbahay naming si Aling Nena. Agad ko itong tinaga sa batok na nagdahilan para matumba sya. So totoo pala na ang kahinaan ng zombies ay sa ulo.
Pinagpatuloy ko na ang paglabas sa pinto at tumago sa damuhan. Sumilip ako sa kalsada at marami nga talagang zombies. Dahan-dahan akong lumakad at pinag-hahampas sila ng baseball bat ko sa kanilang mga ulo. Nakakadiri kasi isang hampas mo lang ay parang babaon na ang baseball bat sa ulo nila.
Patuloy lang ako sa maglakad hanggang sa nakarating ako sa Ramos Street. Nabaling ang tingin ko sa isang mini-market.
Kailangan ko ng maraming pagkain! Pagpasok ko ay agad bumungad sa akin ang tatlo ng zombies na sa pagkakaalam ko ay trabahador sa store na ito dahil sa uniporme nila. Agad ko naman silang ginamitan ng arnis with blades. Na nagdahilan para mabali ang arnis kaya tumilapon ang mga kutsilyo sa sahig. Wala na akong magawa dahil marupok na may talaga ang arnis na iyon.
Nagkalat naman ang dugo sa aking damit na itim. Naka-itim ako ng damit, tapos may patong na maong na jacket at nakajeans ako.Nagsapatos na rin ako in case na baka mapigtas ang tsinelas ko.
Napaupo na lang ako sa may cashier. Napatingin ako sa loob ng store. May pagkain, energy drinks at coffee. Napabaling ang aking paningin sa cash register. May tatlong drawer ito. Medyo nacurios na rin ako at binuksan ang cash register.
Pera na papel, ang sa unang kaha.
Coins, sa isa.
Sana naman ay swerte ako neto. Pagkabukas ko ay nanlambot ang aking tuhod sa nakita. Naalala ko si Alliah, si mom, at dad.
May family picture akong nakita doon sa pangatlong drawer. Nagsimula na namang pumatak ang luha ko, mas lalo na't naalala ko ulit sila Alliah.
Nang mahimasmasan ako ay agad akong kumuha ng plastic at nilagay ang mga dapat ilagay. Dé lata, drinks, mineral water, at iba pa. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako ng mini-market. Lahat ay nakahanda na sa bag ko. Kinuha ko ang arnis with blade ko at naging alerto sa paligid.
Pinagmamasdan ko ang mga zombies na dumadaan sa kalye. Binilang ko ito at pito silang lahat. Mukhang di ako mahihirapan nito kasi kaunti lang sila, kaya agad akong sumukob sa kanila at pinagtataga sa ulo.
Talsikan ang dugo nila sa mukha ko. Ugh! Kailangan pa talaga sa mukha ko? Di pwedeng sa paa man lang? Kailangan ko siguro takpan ang mukha ko.
Pagkatapos ko silang pagtatagain at pagtatadyakan ay naglakad na lang ulit ako.
Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nagutom ako. Naghanap muna ako ng matataguan at maswerte ako dahil may nakita akong treehouse malapit sa isang bahay.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa lugar na iyon at napagtanto ko na ito yung haunted house kung saan madalas naming kinakatakutan kapag kami ay dadaan dito.
Nakakakilabot man ngunit kailangan kong umakyat sa ibabaw ng puno.
Agad akong pumasok gamit ang bintana at nagulat ako sa aking nakita. Isa pala itong mini-house na almost perfect dahil maliit lang ito.
BINABASA MO ANG
Zombious Era
Science Fiction"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...