Simula

1.3K 71 22
                                    


CHIARA

Six years later...

I'm here at the airport right now. Kakabalik ko lang galing ng Canada. Hays. Kapagod ang biyahe.

[Nasaan ka na ba? Hindi pa rin kita makita]

Saad ni Light mula sa kabilang linya. Hindi kami sabay sabay na umuwi. Nauna sila ni Dark ng three months kaysa sa akin. May mga inasikaso pa kasi akong papeles eh. Alam niyo na, fresh graduate eh.

"Baka nakapikit ka kaya hindi mo ako makita" biro ko pa habang patuloy ako sa paglalakad.

[Nice one, Ara. Hindi nakakatawa]

Pfft.

"Ikaw ang nasaan? Ako na ang pupunta sa'yo"

[I'm here at the lobby near the entrance hall]

"Got it. Wait there"

Pinatay ko na ang tawag tsaka ako dumeretso sa entrance ng airport.

Pagdating ko sa lobby ay agad kong hinanap kung nasaan si Light. Napadako ang tingin ko sa isang lalaking kumakaway sa akin. Agad ko itong nilapitan at sinalubong ng yakap.

"Where's Dark? Akala ko ba sasama siya sa pagsundo?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Sabi niya on the way na raw siya. Oh! Ayan na pala siya eh" turo niya sa lalaking tumatakbo papalapit sa amin.

"Ha! Ha! S-Sorry! Grabe ang traffic kahit tanghali naman" hingal na saad ni Dark kaya napangiti na lang ako.

"Its okey. Ano? Tara na?" saad ko kaya tumango naman silang dalawa.

Kinuha ni Dark ang maleta ko habang si Light naman ay nakaakbay sa akin. Masyado bang halata na mas close kami ni Light? Haha!

"May dala kang kotse, Dark?" tanong ko kaya umiling naman siya.

"Nag-commute lang ako para makasabay ako sa inyo pauwi" ahh, kaya pala ang tagal niya.

Pagkarating namin ng parking lot ay agad kaming sumakay sa kotse ni Light. May mga sarili na kasi kaming sasakyan. Well, mayroon naman talaga akong sasakyan pero binilhan uli ako ni Dad ng bago. Graduation gift niya sa akin.

Sa backseat ako umupo dahil silang dalawa ang nasa harap.

"Nagugutom ka ba, Ara? Gusto mo daan muna tayo ng drive thru?" tanong ni Light habang nagmamaneho.

"Nah, hindi na. Busog pa ako. Gusto ko lang ngayon ay ang matulog at magpahinga. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa haba ng biyahe" saad ko kaya tumango lang siya sa akin.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ng nangyari dito habang wala ka?" biglang tanong ni Dark kaya natahimik naman ako.

"Para saan? Kaya nga ako lumayo para ma-disconnect sa kanila eh. Sana hindi na lang ako umalis kung aalamin ko lang din pala ang kalagayan nila" saad ko kaya sila naman ang natahimik.

Narinig ko pang napabuga ng hangin si Light. What? Tama naman ako ah.

Tumingin na lang ako sa bintana at pinagmasdan ang mga nalalagpasan naming mga bahay. Napakunot ang noo ko ng malamang pamilyar ang daang tinatahak namin.

"Wait, saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay, bakit?" sagot ni Dark kaya nanlaki ang mata ko.

"What?! Akala ko ba sa condo ko tayo dederetso? Bakit pupunta tayo sa bahay niyo?" saad ko pa.

"Dadaan lang naman tayo para kuhain ang mga natira mong gamit"

"No! Ayoko! Ihatid niyo ako sa condo ko."

"Bakit ba? Ayaw mo ba talaga silang makita?"

"Yes"

"So sinasabi mo rin bang hindi ka rin makakasama sa high school reunion natin next week?" saad ni Dark kaya natigilan ako.

Next week na 'yun? Shit.

"Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko pa, basta ihatid niyo na lang muna ako sa condo ko. Gusto ko lang muna magpahinga. Sa susunod ko na iisipin ang mga naiwang gamit ko, okey?"

Wala na silang nagawa kung 'di ang ihatid ako sa condo unit ko. Iyon naman ang niregalo sa akin ni mommy. Actually, ngayon ko pa lang masisilip ang hitsura no'n.

Pagdating namin doon ay hinatid nila ako sa room number ko. Sila kasi ang bumili no'n kaya alam nila. Huminto kami sa kwartong may nakalagay na 306.

"Ayaw mo ba talagang bumisita sa bahay? Magluluto pa naman sana ako ng paborito mong pagkain" saad ni Dark kaya nginitian ko lang siya.

"No, gusto ko lang talaga magpahinga but we can dine together later. How about that?" saad ko kaya nabuhayan naman 'yung dalawa.

"Okey! That's great! Ashton will fetch you later"

"Eh? Bakit ako?"

"May lakad ako, bro. Baka hindi ko masundo si Chiara kaya ikaw na lang tutal wala ka namang ibang ginagawa kung 'di ang magbasa ng magbasa ng makakapal mong libro" saad pa ni Dark kay Light.

"I'm studying okey? Even if I got my legal degree, kailangan ko pa ring mag-aral but sure, ako na ang susundo sa'yo Ara para naman makapagkwentuhan tayo. Na-miss kita eh" saad niya kaya nginitian ko na lang siya.

"Oh, sige. Maiwan ka na namin para makapagpahinga ka na. Mag-aalas dos na eh" saad pa ni Dark sabay halik sa pisngi ko. Gumaya rin si Light bago sila umalis. Hays.

Pumasok na ako sa loob at namangha ako dahil ang ganda ng condo na 'to. Halos black, white and grey ang kulay kaya mas lalo ko itong nagustuhan. Malawak rin siya tapos kumpleto pa. May kusina, sala, at cr. Nasa right side naman ang kwarto ko.

Dumeretso ako sa kwarto at hindi ko na inabalang buksan ang ilaw dahil hinahatak na talaga ng kama ang katawan ko. Gusto ko ng matulog. Ugh.

Hindi na ako nagpalit ng damit. Hindi ko na rin tinanggal ang sapatos ko. 'Yung maleta ko? Ayun iniwan ko sa gilid ng pintuan at agad na akong dumeretso pahiga sa kama.

Haaaa. Sarap. Ang lambot. Huhu.

Ilang saglit lang ang lumipas ay agad na akong dinalaw ng antok.

.....

Nagising ako dahil sa kung anong mabigat na dumadagan sa tiyan at binti ko.

Minulat ko ang mata ko at nanlaki iyon ng may makita akong kamay at paang nakatanday sa akin. What the hell?

Dahan dahan kong nilingon kung sino ang walang hiyang lumingkis sa akin at gano'n na lang ang inis ko ng makita ko ang mukha ni Drake na sarap na sarap sa pagtulog sa kama ko.

"HOY! WALANG HIYA KANG DEMONYO KA! ANONG GINAGAWA MO RITO SA KWARTO KO?!"

c.x

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now