Four

805 39 63
                                    


***

"C-Chiara?" gulat na tanong ni Zeke.

Hindi ako agad nakapagsalita dahil ang awkward para sa akin na kausapin niya. Bigla ko kasing naalala 'yung huling pag-uusap namin. Eww. Ang pabebe ko no'n, syet!

"Omo! Chiara! Mabuti at pumunta ka! Kanina pa kita hinahanap eh!" sigaw ni Kim habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Yo, Kim. Hindi mo nasabi sa akin na concert pala 'tong pupuntahan ko. Nabigla ako eh" saad ko sa kaniya at hindi na binigyang pansin si Zeke na nasa tabi.

"Ay, sorry naman. Edi surprise na lang! Haha! Oo nga pala, may ni-reserve akong seat para sa'yo." saad niya kaya tumango ako.

"Kim. Magkakilala kayo ni Chiara?" biglang singit ni Zeke kaya napangiwi ako.

"Ah oo. Ka-floor ko siya sa complex na tinitirahan ko. Anyway, kayo? Magkakilala kayo?" tanong naman ni Kim.

"You can say that" sagot naman niya at tumingin naman sa akin si Kim kaya nginitian ko na lang siya.

"Oh? Talaga? Angas! Nga pala Chiara, siya ang vocalist namin." saad ni Kim kaya napatingin ako kay Zeke.

"What? Talaga? Aba! Pinagpatuloy mo pala ang pagbabanda ah! Astig niyan! Libre mo naman ako minsan. Mukhang asensado ka na eh" birong saad ko kaya nagulat na naman siya.

Eh? Bakit naman? Dahil ba sa pagiging casual ko sa kaniya? Psh! Parang 'yun lang eh.

"Hoy, Zeke! Hinahanap ka pala ni Sir Alex. Pumunta ka na ro'n para makapagkwentuhan kami nitong si Chiara. Tsupi na! Tsupi!" tinulak tulak pa niya si Zeke palayo kaya wala na itong nagawa kung 'di ang umalis kahit halata sa mukha niya na ayaw niya pa.

Siguro gusto niya akong makausap. Pwede naman. Wala naman akong nakikitang problema doon eh. Mag-uusap lang naman eh.

"Uh, Kim?" tanong ko ngayong dalawa na lang kami rito.

"Ano 'yun?"

"Kailan nag-umpisa ang banda niyo?"

"Ah 'yun ba? Four years ago noong nag-umpisa ang banda naming Major. First year college kami noon tapos naging kaklase ko si Zeke. Eh noong mga panahong iyon, hindi kami makapag-perform dahil wala kaming bokalista. Ako kasi ang drummer ng grupo tapos isang araw, may narinig akong kumakanta sa loob ng cr ng mga lalaki. Sobrang ganda ng boses niya kaya kahit boys cr pa 'yun ay pinasok ko para lang malaman kung kaninong boses 'yun at nakita ko nga si Zeke. Simula noon kinulit ko na siya na sumali sa grupo namin kaso ang sungit niya pero siyempre dahil Kierra Mae ang pangalan ko, hindi ako sumuko. Anong connect 'di ba?" nagulat naman ako dahil sa sinabi niya.

'Yung huling linya na sinabi niya ay halos pareho ng linyang palagi kong sinasabi noong high school ako.

"So iyun na nga. Wala na siyang nagawa kung 'di ang sumali na lang, tapos nag-perform kami noon para sa school hanggang sa may isang tao ang nagka-interes sa amin at iyun nga si Sir Alex. Siya ang sponsor namin. Nag-umpisa kami sa maliliit na gigs hanggang sa after one year and a half ay nakapag-concert kami for the first time. Hindi lang iyon dahil hindi namin inaasahan na sisikat ang pangalang Major sa buong bansa kaya ayun. Boom! Ito na kami" napangiti naman ako dahil ang dami nilang pinagdaanan para maging ganito ka-successful.

"Hey, Kim. You're amazing" papuri ko kaya namula naman siya.

"Uy, ano ka ba! Hindi kaya! Lahat naman kami nagtulungan. Isa pa, its all thanks to Zeke's voice dahil ang boses niya ang nagpasikat sa amin" saad niya pa kaya umiling ako.

"But without your persistence, hindi siya magiging bokalista niyo, right?" saad ko pa kaya napangiti naman siya.

"Hala! Huhu! Pinapaiyak mo naman ako eh! Pero salamat! I'm happy to be friends with you, Chiara" saad niya pa.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now