Twenty Eight

296 11 3
                                    


***

Naglalakad ako ngayon papasok sa bahay ni master. Kakauwi ko lang galing ng Sitio Maribela dahil kaninang umaga lang tumila ang ulan. Mabuti na nga lang at hindi ganoon kalala ang sira ng sasakyan ni Finral. Nag overheat lang daw kaya mabilis lang naayos 'yon.

Dito agad ako dumeretso kila master dahil makikikain ako hahaha. Katamad magluto eh. Wala si Drake eh, siya taga luto ko. Speaking of Drake, hindi ko pa nakakausap ang lalaking 'yun simula kahapon.

Last na usap namin is yung tumawag siya sa akin. After non wala pa kaming contact sa isa't isa. Akala ko nga after ng call ay mangungulit pa siya pero hindi naman na. First time yun. Usually kasi kahit sigawan ko siya or pagsabihan, mang aasar pa lalo 'yun. Parang siraulo.

Pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko sila Julius at Ronnie na saktong palabas din yata.

"Oh, Gray ikaw pala," saad ni Julius kaya tinanguan ko siya.

"Nandiyan ba si master?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa opisina niya kasama si Yuno." Sagot naman niya kaya tumango lang uli ako.

"Saan ang punta niyong dalawa?" Tanong ko pa ulit.

"Uh, trabaho? May need kaming gawin ni Ronnie eh. Utos ni Drake," saad niya pa.

Ito talagang si Drake kung ano anong pinapagawa dito kila Julius at Ronnie. Kawawa naman at ginawa na silang alalay ng loko na 'yun.

"Anong trabaho? Bakit nasaan ba si Drake at panay utos sa inyo?" Saad ko pa kaya nagkatinginan naman yung dalawa.

"Gray di ba sinabi sayo ni Drake?" Singit naman ni Ronnie kaya kumunot ang noo ko.

"Ang alin ang hindi sinabi? Ano ba yun? Sabihin niyo na lang kaya. Pa thrill pa eh."

"He left the country. Actually kakaalis lang niya kaninang umaga. He went back to Canada to manage his business there. I think matagal tagal pa bago siya bumalik."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Ronnie. What the fuck? He went out of the country? Why didn't he tell me? Hindi man lang nag text ah. Kahapon tumawag siya, di na niya sinabi sa akin. Kainis naman. Parang split second na update lang di pa nagawa. Siraulo talaga yon.

"Ahh, ganon ba. Tawagan ko na lang yon mamaya. Sige lumarga na kayong dalawa sa pupuntahan niyo." Saad ko pa kaya nagpaalam na sila sa akin habang ako naman ay dumeretso sa opisina ni master.

Pagpasok ko sa opisina ni master ay naabutan ko siya at si Yuno na nag uusap. Napalingon naman silang dalawa sa akin.

"Where have you been Chiara?" Tanong ni master kaya sinabi ko naman sa kaniya ang nangyari sa akin.

Narinig kong napabuntong hininga siya bago niya ako pinaupo sa sofa.

"Oo nga pala, what happened to Drake? Bakit bigla biglang umaalis 'yon?" Tanong ko sa kanila.

"We don't know either. Nagulat na nga lang ako at biglang nag decide yun na bumalik ng Canada eh. He said na aasikasuhin niya yung business niya doon pero honestly hindi naman na niya need pumunta doon para lang maasikaso business namin doon eh. I don't know what got into his mind plus he also looked pissed." Kibit balikat na sagot ni Yuno kaya napakamot na lang si master ng bridge ng ilong niya.

Paniguradong pati siya naiistress ngayon sa biglaang desisyon na pag alis ni Drake. Ano kaya naisip ng lalaking yon? Kakaiba talaga ang mood swings ng Drake na yon. Psh.

"Ewan ko ba kung anong bubuyog na naman ang bumulong sa batang yon para gumawa na naman ng impulsive decision. Hay nako talaga kahit kailan," saad pa ni master kaya napangiwi na lang ako.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now