Eight

735 36 40
                                    


ZALIYAH

"Paanong si Dark ang dine-date mo ngayon? Akala ko ba si Light ang gusto mo?" gulat na tanong ni Chiara kaya natawa naman ako.

"Maraming nangyari nitong nagdaan na tatlong buwan. You know, accident really happens."

"Paano nga? Naku! Ikukwento mo sa akin 'yan! Tara!" napailing na lang ako.

Mabuti naman at siya pa rin ang Chiara na nakilala ko. Akala ko kasi ay magbabago na ang ugali niya after six years. Mabuti na lang at hindi.

Nalungkot talaga ako noong umalis siya noon na hindi man lang nagpaalam kahit na sino sa amin. Ni hindi namin alam kung saan siya nagpunta dahil sabi nila Seth ay iniwan niya ang mga gamit niya sa bahay nila.

Akala nga namin ay saglit lang siya mawawala. Inisip namin na baka gusto niya lang muna mapag-isa kaso biglang tumawag si Ashton kay Seth na nasa Canada na si Chiara.

Medyo nagtampo nga kami ni bakla dahil sa ginawa niyang pag-alis eh pero naiintindihan naman namin 'yon dahil alam namin na nasaktan siya. Pero past is past kaya 'wag na dapat alalahanin. Ang mahalaga ay bumalik pa rin siya at hindi nag-iba ang trato niya sa amin. Iyon naman ang mahalaga eh.

"Huy! Halika na rito. Huwag kang tumayo lang diyan at ikwento mo sa akin kung bakit kay Dark ka napunta."

Natawa ako dahil curious na curious siya. Naupo kami sa isang bakanteng upuan. Hindi na muna kami pumunta sa pwesto namin para makapagkwentuhan kami ng maayos.

Napatikhim ako bago ko sinimulang ikwento sa kaniya kung bakit si Francis na ang dine-date ko ngayon imbis na si Ashton.

Nagsimula 'yon three months ago. Noong nabalitaan kong uuwi na 'yung kambal. Noong bumalik sila, nagulat ako dahil halos hindi ko na makita ang deperensya sa pagitan nila. Para na talaga silang kambal kung kumilos. Dati naman kasi ay madali ko lang ma-identify kung sino si Francis at kung sino si Ashton.

Sobrang cold and distant kasi ni Ashton, samantalang napaka-friendly naman ni Francis lalo na sa mga babae. Pero noong bumalik sila? Nag-iba bigla si Francis. As in sobra. Masyado na siyang naging expressive sa akin.

Ito namang si Ashton, naging close kami dahil ginawa niya ang best niya para suklian ang nararamdaman ko sa kaniya. Doon ko lang din nalaman na kaya pala cold at distant siya sa mga babae ay hindi dahil sa snob siya, kung 'di dahil hindi niya alam kung paano sila i-approach.
Nasabi niya rin kasi sa akin na dalawang babae lang ang talagang minahal niya. Iyon ang mommy niya at si Chiara. Medyo nerdy pala itong si Ashton kaya wala siyang naging oras para makipag-relasyon.

See? Kung hindi kami naging close, hindi ko malalaman lahat ng 'yan. Tama nga si Chiara noon na sa kaniya lang lumalabas ang soft side ni Ashton. Kaya pala siya lang ang pwedeng tumawag ng pangalan Light sa kaniya.

Ngayon ay naiintindihan ko na iyon. Kaya imbis na magkaroon kami ng romantic relationship ni Ashton ay mas lumalim pa ang pagiging magkaibigan namin. Doon ko lang na-realize na mas bagay pala sa amin kung magiging mag-besty kaming dalawa. Atleast naipapakita na rin niya sa akin ang soft side niya. Hindi man ako maging girlfriend niya, atleast isa ako sa mga taong mahahalaga at mahal niya. Oh 'di ba? Hihiling ka pa ba ng iba?

Tsaka isa pa, simula noong naging magkaibigan na lang kami ni Ashton ay araw-araw akong ginugulo ni Francis. Parang hindi nga siya ang nakilala ko noon na mabait at friendly. Hindi ko alam pero mas nagustuhan ko na ang ugali niya ngayon.

Hindi ko siya nagustuhan noon dahil sa ugali niya. Pakiramdam ko kasi ay lahat ng kabaitang ipapakita niya sa akin ay napakita na rin niya sa ibang babae. Ayoko ng gano'n. Selfish na kung selfish pero gusto ko made-differentiate pa rin ang posisyon ko kaysa sa ibang babae. Na kapag sinabing girlfriend niya 'to, ibig sabihin sa kaniya lang ito malambig. Gets niyo naman ang point ko 'di ba?

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now