***"Deal"
Ajshdjsgkghahsgfa! What the fuck!
I gave Drake a deadly glare because of what he said. Is he fucking kidding me? Gano'n na lang ba kadali para sa kaniya na itaya ako? Ano ba ako sa kaniya? Bwiset talagang demonyo!
"Ahehe! Wait a moment, Mr. Manuelo, i'll just have a brief talk with my husband. Let's go" pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya dahil kanina ko pa gustong sumabog sa inis.
Hinawakan ko ang braso ni Drake at hinila siya palayo sa mesa.
"Anong sasabihi-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang sinuntok sa pisngi niya.
"Fuck you!" sigaw ko kaya napasinghap naman ang mga tao na nakakita sa amin.
Napaatras naman siya dahil doon. Gigil niya si ako eh. Bwiset siya!
"What was that for?" gulat niyang tanong.
Nagtanong pa talaga siya. Hindi niya ba alam ang sitwasyong papasukan ko kapag natalo siya? Okey lang sana kung magaling siyang maglaro eh, kaso hindi! Shutangina!
"You know what? Bumalik ka na ro'n at maglaro. Papahangin lang muna ako sa labas kasi baka kapag pinanood kita ay hindi ako makapagpigil. Imbis na si Manuelo ang papatay sa'yo, ako na lang ang gagawa." inis kong saad bago ko siya iniwan doon.
Bwiset, bwiset, bwiset. Ano na lang gagawin ko? Aish!
Dumeretso ako sa labas ng casino at tumambay muna ako sa may balcony-like at nagpahangin. Pinagmasdan ko na lang ang langit para gumanda naman ang mood ko kahit papaano. Tch.
"The moon is too beautiful, isn't it?" napalingon naman ako sa gilid ko dahil sa biglang nagsalita.
Kumunot ang noo ko dahil sa isang lalaking nakamaskara na nakatanaw din sa langit tulad ko. Wait, that mask!
Kahit nagulat ako ay hindi ko iyon pinahalata. 'Yung maskara niya, katulad din ng maskarang ginagamit ko kapag si X ako. Ang kaibahan lang, itim ang akin at puti naman ang sa kaniya. The hell? Who is this man?
"Uh yeah, it is" saad ko na lang kaya sumilay ang ngiti sa kaniya.
Nakatingin ako sa kaniya pero siya, sa langit pa rin ang tuon. Pa-mysterious naman ang isang 'to pero ang hindi mawala sa isip ko, bakit pareho kami ng maskara? Hindi kaya isa siya sa kalaban namin? Possibly.
Bigla siyang lumingon sa akin kaya nagulat naman ako. "But you're more beautiful than the moon." eh?
"Why are you alone? Where's your acquaintance?" tanong pa niya kaya palihim akong napangiwi. Feeling close?
"I don't know and I don't care" pinaalala pa niya talaga ang kasama ko. Tch. Lalo lang akong na-badtrip eh.
Napatango lang siya at binalik muli ang tingin sa buwan. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagmasid sa paligid ko.
Maya maya pa ay biglang bumukas ang entrance ng casino. Lumabas doon ang grupo ni Manuelo at mukhang may hinahanap sila. Tapos na ba ang laro nila ni Drake? Natalo na naman kaya siya? Shit talaga.
Napalingon naman ako kay masked guy ng bigla itong sumipol sa kakaibang tunog. Napatingin tuloy sa direksyon namin sila Manuelo. Shit!
"The price is here, Manuelo!" saad niya kaya natigilan naman ako.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Diversos"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!