Fifteen

647 39 14
                                    


***

"Oh, nandito na tayo, your majesty! Maaari na po kayong bumaba" sarcastic niyang saad kaya pinatulan ko naman iyon.

"Thanks, my servant" pang-aasar ko pa kaya inis siyang lumabas ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto nito.

I chuckled because of her cute reactions. Hay, sarap niyang galitin.

Bumaba na ako bago ako sumunod sa kaniya papasok ng lift. Kami lang ang nasa loob at mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako. Can't blame her. Haha!

Seconds passed, her phone suddenly ring. Kinuha niya iyon mula sa clutch niya at kumunot ang noo ko dahil biglang nagbago ang mood niya.

Biglang sumaya ang mukha. Parang hindi siya galit kanina eh. Mood-shifter talaga ang babaeng 'to. Tss. Sino naman kaya 'yang tumatawag sa kaniya at parang mapupunit na ang labi sa sobrang ngiti. Psh!

"Hello, Sir Finral. Napatawag ka po?"

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ni Finral. Tch. Does she really like that idiot? I'm better than him in all aspects pero hindi ko man lang siya nakitang ngumiti ng ganiyan kapag ako ang kasama niya. Tch.

Palagi pa siyang nakasigaw. Akala mo nasa kabilang planeta 'yung kausap. Tss.

"Ah sa saturday? Sure! May magandang palabas ngayon eh. 'Yung Samurai X. Part one and two 'yon! Pwede bang 'yun na lang?" hindi naman masyadong halata ang excitement niya? Tss.

"Talaga?! Hala, thank you! Sige, 3PM? Sure, ayos lang. Okey! Kita kits na lang sa saturday! Goodnight din! Bye!" nakita kong ibinalik na niya ang phone sa loob ng clutch niya.

Wala na 'yung kausap niya pero 'yung nakakairitang ngiti ay nasa mukha pa rin niya hanggang ngayon. Hindi ba siya maka-get over sa pag-uusap nila ng Finral na 'yun? Tch.

Tumunog na ang elevator kaya lumabas na kami. Todo ngiti pa rin siya at para siyang may sariling mundo. Hindi ko nga alam kung aware pa siya sa ginagawa niya eh.

Tsaka anong gagawin nila sa sabado? May date ba sila ng Finral na 'yun? Parang ilang araw pa lang silang magkakilala, grabe na ang tiwala niya. Tch. Kaya nasasaktan eh.

Nandito na kami sa tapat ng flat niya at walang sabi sabi na binuksan niya ang pinto niya. Sabi na eh, wala na talaga siyang ibang nakikita. Nakalimutan na rin siguro niya na inis siya sa akin.

I'm not going to let that happen. I'm a devil so I should ruin that smile. It really irritates me. Psh.

"Hey idiotic Gorilla" saad ko kaya parang nabalik siya sa reyalidad.

Nilingon niya ako at binigyan niya ako ng napakasamang tingin. Kung baril lang 'yan, kanina pa siguro ako namatay.

"What?!" sigaw niya kaya napangiti ako.

"That's better" saad ko kaya kumunot naman ang noo niya.

Iniwan ko na siya at pumasok na ako sa flat ni Yuno.

"Yo, what the fuck? Bakit bigla bigla ka na lang pumapasok sa bahay ng may bahay? Don't you have a house? Wait, don't tell me you're homeless now?" my face turn blank because of what Yuno said. Bakit ang daldal na ng lalaking 'to? Tss.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now