***"Gray! Tawag ka ni Mr. Legolant sa office niya! Now na raw! Nandiyan na yata 'yung mga models eh!" sigaw ni Nessa mula sa entrance ng office namin.
Kailangan bang doon niya pa sabihin? Pwede namang lumapit sa akin. Ang lakas ng boses eh.
"Yeah, papunta na ako" sagot ko kaya nag-ok sign siya sa akin bago lumabas.
Mukhang may ginagawa rin siya ah. Hays. Ang busy ngayon dahil sa paparating na bagong project ng company. Actually, hindi naman dapat kami mangarag dahil nasa finance department kami eh. Ang kaso lang, dahil nga wala kami masyadong gagawin dito kaya sa amin pinapagawa ang mga ganitong events.
Seriously? Nakakaasar lang.
Tumayo na lang ako at agad na dumiretso sa opisina ni Sir Finral. Wala si Vince sa office-like niya kaya dumeretso na ako. Kumatok muna ako bago pumasok.
Nakita ko si Finral na seryosong nakatingin sa mga papel na hawak niya. Natigilan naman ako kasi ang gwapo niya sa hitsura niya ngayon. Idagdag mo pa ang mga naka-straight niyang kilay dahil sa pagkaseryoso.
Lagi kasi siyang nakangiti kapag nakikita or nakakasalubong ko siya eh. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso at sasabihin kong mas gwapo siya kapag seryoso. Hehe!
Tumikhim ako para makuha ko ang atensyon niya. Inangat niya ang paningin niya at awtomatikong kumurba ang labi niya at ngumiti ito sa akin.
Enebe! Beket genyen ke meketeteg? Pere keng tenge!
"Oh, Miss Gray? Do need something?" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Uh, 'di ba kayo ang nagpatawag sa akin?" takang tanong ko kaya natawa naman siya ng bahagya.
"Ah, right. I forgot about it. Sorry, my mind is somewhere else right now because of the Project Cosmet. Anyway, pinaakyat ko na ang Major dito para sa photoshoot na gaganapin. I think they'll be here any minute now" wait, what?
Did he just say Major?
Biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Vince kasama sila...
"Omo! Chiara! Glad to see you here!" sigaw ni Kierra kaya nanlaki ang mata ko.
The fuck? So tama nga ang iniisip ko na 'yung Major na sinasabi ni Finral ay 'yung banda nila Zeke? Nak ng?
"Woi! Chiara, my loves! Biglang nawala ang pagod ko ng makita kita!" sigaw naman ni Troy kaya natawa ako.
Sabay pa silang lumapit sa akin at yayakapin sana nila ako ng biglang umubo si Zeke ng peke kaya natauhan naman 'yung dalawa. Siguro na-realize nilang wala sila sa lugar nila.
Napatingin ako kay Finral na nakangiti lang sa nakikita niya. Huhu! Nakakahiya. Mabuti na lang at mabait ang isang 'to. Hays!
"So, you know the Major, Miss Gray?" tanong ni Finral kaya tinanguan ko siya.
"Yes, Sir Finral. Kierra is my neighbor and their lead vocal, Zeke, is my friend" saad ko kaya napatango naman siya.
"Is that so? Anyway, nice to meet you Mr. Baylor. Mabuti at nakarating kayo" saad niya kaya nakipagkamay naman si Zeke sa kaniya.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!