Twenty Five

524 20 5
                                    


***

I woke up in an unfamiliar place. Where the hell am I? Bakit nasa semento ako nakahiga?

Napabangon ako dahil biglang bumuhos ang ulan. Paanong napunta ako rito? Tsaka saan ba 'to?

Kaagad akong tumakbo sa ilalim ng silong ng tindahan upang hindi ako mabasa ng tuluyan. Nilibot ko ang paningin ko sa kalsada at napansin kong ako lang ang naririto. Bakit parang wala yatang katao tao sa lugar na ito. Maski itong tindahan na pinagsisilungan ko ay mukhang wala ring nakatira. Ano bang nangyayari?

Habang yakap yakap ko ang sarili ko dahil nag-uumpisa na akong makaramdam ng lamig ay may bigla akong narinig sa hindi kalayuan. Isang iyak ng sanggol ang namumutawi sa buong lugar maliban sa ingay ng ulan.

Bigla naman akong nag-alala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihinto sa kaniyang pag-iyak kaya kahit alam kong mahihirapan ako ay sumulong ako sa ulan para lamang mahanap ang sanggol.

Kung saan saan na ako tumakbo para lang mahanap kung saan nanggagaling ang iyak niya. Nasaan na ba kasi siya?

Lumiko pa ako sa kabilang kalsada. Pagkaliko ko ay doon ko nakita ang sanggol habang bitbit bitbit siya ng isang babae. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyun sa ulan nghunit hindi ko makita ang mukha ng babaeng may hawak sa sanggol. Sobrang blurred ng mukha niya.

Anong ginagawa niya? Bakit siya nakatayo lang diyan sa harap ng isang malaking bahay? Hindi ba niya alam na pwedeng mamatay ang bata sa ginagawa niya? Basang basa na siya, ibig sabihin ay ganoon din ang bata. Hindi man lang ba siya naaawa?

Dahil sa inis na nararamdaman ko sa mga oras na ito ay mabilis akong naglakad palapit sa kaniya ngunit bago pa ako makalapit ay bigla na akong natigilan dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

'Yung babae, malinaw na ang mukha niya ngayon. 'Yung babae, i-it's me. What the hell? Paano? And why am I holding an unfamiliar child with me?

Napalingon ako sa pintuan ng bahay na tinititigan ng babae at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita kong lumabas doon si Drake. What the heck is happening?!

"Chiara! What the hell are you doing?!" galit na galit na saad ni Drake sa babae. What the heck is this? Malapit lang ako sa pwesto nila pero parang hindi nila ako nakikita.

"What?! Ano bang paki mo?! Sino ka ba para pakialaman ang ginagawa ko?!" sigaw ng babae sa kaniya at kahit umuulan ay mahahalat mo pa ring umiiyak ito dahil sa namumula nitong ilong at mata.

Anong klaseng drama ba 'to? Bakit may ganito?

"Right! I don't really care about you! What I care is that child you're holding! Do you intend to kill that child?!" Natigilan ako sa paraan ng pagtingin ni Drake sa kamukha ko. Sobrang galit ang pinapakita niyang tingin sa babae. Malayong malayo sa tingin na binibigay niya sa akin ngayon.

Parang sa sobrang galit niya ay hindi siya magdadalawang isip na saktan ang babae. Tch.

"Why?! I thought you don't want us anymore?! Besides, I don't care if this child dies. It's not even mine in the first place! Pabayaan mo na lang kaming mamatay!"

"Stop it Chiara! Give me my child back! If you want to die, huwag mong idamay ang anak ko!" sigaw pa ni Drake sabay sinubukan niyang agawin mula sa babae ang bata ngunit hindi ito binitawan ng babae.

"Hindi ko hahayaang maging masaya ka! Kung miserable ako, dapat gano'n ka rin!"

Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng patalim mula sa kung saan ang babae. Tatakbo na sana ako papunta sa kanila para pigilan siya nang maglabas naman ng baril si Drake.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now