CHIARA"Arrgh!" napabalikwas ako dahil sa napakalakas na tugtog galing sa katabi kong flat.
Ang aga aga, napakaingay! Hindi ba nila alam na baka natutulog ang mga kapitbahay nila? Aish! Bwiset!
Inis akong bumangon sa higaan ko at dali dali akong lumabas para pagsabihan ang napakaingay kong kapitbahay. Hindi na ako nag-abalang maghilamos o kaya magmumog dahil sa inis ko.
Hindi ba nila alam ang kasabihan na inisin niyo na ang mga lasing, huwag lang ang taong bagong gising? Aish! Puyat pa naman ako. Kailangan ko ng tulog. Asar!
Paglabas ko ay agad kong kinatok ang room 305. Ilang segundo na ang lumilipas ngunit wala pa ring response kaya kumatok uli ako at sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang ginawa kong pagkatok.
Maya maya pa ay bumukas ito at iniluwa ang isang babaeng mukhang kinalahig ng manok ang buhok dahil sobrang gulo nito. Nagkataon lang ba 'yan o sinadya niyang maging ganiyan ang buhok niya? Tch.
"ANO PONG MAITUTULONG KO SA INYO?" malakas na saad niya dahil hindi kami nagkakarinigan dahil sa malakas na tugtog ng iba't ibang instrumento galing sa loob.
"PWEDE BANG PAKIHINAAN NG SOUNDS NIYO? NATUTULOG KASI AKO EH!" malakas na saad ko sa kaniya kaya tumango naman siya at pumasok sa looban ng flat niya.
Ilang segundo ang lumipas at biglang humina na ang tugtog tapos lumabas uli siya para kausapin ako.
"Naku, sorry. Nagpa-practice kasi kami ng mga ka-bandmates ko eh. May gig kasi kami mamaya. Kailangan lang naming mag-rehearse pero mamayang tanghali na lang kami magre-resume. Sorry talaga sa abala" paghingi pa niya ng dispensa kaya tumango ako sa kaniya.
"Mabuti naman kung gano'n." saad ko pa.
"Ay ate, kayo ba 'yung bagong lipat diyan kahapon?" tanong niya kaya tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Oo, bakit mo natanong?"
"Ah wala naman. Ako nga pala si Kierra Mae Lopez pero Kim na lang. Sana magkasundo tayo though hindi masyadong maganda ang first meet natin, hehe" saad niya bago siya napakamot sa pisngi niya.
"That's okey. Atleast marunong kang tumanggap ng mali mo, hindi katulad ng ibang tao. Its nice to meet you Kim. I'm Chiara Gray" saad ko sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya.
"Woah! Tignan mo nga naman oh! Halos pareho pa ang names natin! Wow, ang galing naman. Sana talaga maging friends tayo kasi wala akong close dito sa floor na ito eh. Mukhang masusungit ang mga tao, lalo na 'yung taga-304. Nakakatakot ang hitsura niya eh" bulong pa niya kaya napangiti ako.
She looks kind and bubbly. Medyo nagmumukha nga lang siyang tomboy dahil sa pagiging siga niya manalita pati na rin ang porma niya. I guess she's into band like what she said earlier.
"Sure, I will be glad to befriend you, Kim."
"Talaga? Omo! Thank you! Sa wakas may ka-close na ako dito sa floor na 'to. Ako lang yata ang babae at bata sa floor natin bago ka dumating eh. Tapos lagi pa akong pinapagalitan dahil sa pagiging maingay ng kwarto ko. You know, hindi ikaw ang unang nagalit sa ingay namin kaso mukhang mas mabait ka naman kaysa sa kanila" wika niya kaya tumango na lang ako.
"Sige, Kim. Dito na ako at ipagpapatuloy ko na muna ang naudlot kong tulog. Sana maging success ang gig niyo mamaya" saad ko bago ko siya tinalikuran.
"Chiara, saglit" nilingon ko uli siya dahil sa pagtawag niya sa akin.
"Oh, bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?"
"Uhm, ano. May gagawin ka ba mamayang gabi?" tanong niya kaya napaisip naman ako.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
De Todo"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!