***Nandito ako ngayon sa living room dahil hinihintay ko si Chiara na bumaba. Tapos na rin akong magpalit at medyo nahirapan akong magtanggal ng make up. Ang kati pala no'n sa mukha. Tch.
Habang naghihintay ako ay nakita ko si Julius na kakababa lang. Tinanguan niya lang ako sabay punta ng kusina. Maya maya pa ay bumalik siya rito sa sala nang may bitbit na canned beer at naupo sa tabi ko.
"Did you do what I asked you to do?" tanong ko habang binubuksan niya ang beer na hawak niya.
"Oo naman, Drake."
"And what did you find out?"
"Sa tingin ko ay konektado kay Gray ang misteryosong babae na 'yun."
"How come?"
"Kasi noong nahanap ko siya ay tsaka ko lang naalala kung sino siya. I already saw her several times noong nasa Clark pa nag-aaral si Gray years ago. I think lagi niyang minamanmanan si Gray, though hanggang ngayon ay inaalam ko pa kung sino siya," paliwanag niya kaya napaisip naman ako.
Ibig niya bang sabihin ay matagal nang binabantayan ng babaeng 'yun ang kilos ni Chiara? Then she must be also stalking Chiara when she was at Ludwig. What's her purpose and goal? Is she an enemy? I hope not.
"What about the necklace?"
"Ah, right. About the necklace that you mentioned, dalawa lang ang ganoong klase ng necklace sa buong mundo dahil it's a pair of necklace at personalized ito. Hindi ko pa alam kung na kanino ang isa pero aalamin ko iyon. I just need a little more time para malaman ko rin kung sino ang nagpagawa ng kwintas na iyun but I know kung saan iyon pinagawa."
"Where?"
"Sa Crystalitz Jewelry Shop. Isa ito sa pinakasikat na jewelry shop sa bansa dahil sa unique na paggawa nila ng mga jewelries nila. Ang kaso nga lang, masyado silang mahigpit sa pagbibigay ng customer's information kaya hindi ko makuha ang pangalan ng nagpaggawa ng kwintas."
"So, in short, imposibleng matunton ang babaeng 'yun?"
"Hindi naman imposible, siguro mahirap lang pero I think kaya ko pa rin siyang mahanap. Ito pa pala, hindi man nila naibigay sa akin ang pangalan ng nagpagawa, nalaman ko naman kung kailan niya iyon pinagawa."
"Really? Kailan?"
"It's on August 31, 2004," seryosong saad niya kaya natigilan ako.
"That's..."
"Yeah, that's when Gray was born."
Natigilan kami ni Julius sa pag-uusap nang mapansin kong pababa na si Chiara sa hagdan.
"Yo, Gray! Kamusta?" bati ni Julius kaya tinanguan lang siya ni Chiara.
"Let's catch up next time, Juls. C'mon, Drake, gusto ko nang umuwi," saad nito kaya tinapik ko lang ang balikat ni Julius bago ako tumayo para lapitan si Chiara.
"Una na kami," paalam ko kay Julius kaya tinanguan niya lang kami sabay kaway.
Lumabas na kami ni Chiara ng bahay. "Wait here, kukuhain ko lang ang sasakyan ko," saad ko bago ko siya iniwan para kuhain ang kotse ko.

YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!