CHIARAHays! Kaasar naman 'tong si Dark, kahit kailan!
Hiniram niya kasi ang sasakyan ko kahapon noong umuwi ako dahil may importanteng lakad daw siya. Siyempre mabait ako kaya pinahiram ko siya kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasauli. Aish!
Wala tuloy akong gagamitin papasok ng trabaho. Mapipilitan pa tuloy akpng sumakay ng MRT. Psh!
Aburidong lumabas ako ng flat ko. Sakto namang palabas din si Yuno ng sa kaniya. Magkatapat kasi kami, remember?
"Oh, good morning, my lady!" nakangiti niyang saad kaya nginitian ko rin siya pabalik.
"Good morning din. Sa'n punta mo? Trabaho?" tanong ko kaya umiling naman siya.
"Ah hindi. May iniutos kasi sa akin si big bro na papeles. Ihahatid ko sa opisina niya. Ikaw?"
"Papasok na ako ng trabaho." sagot ko kaya napatango naman siya.
"Tara, sabay na tayo pababa" saad niya kaya tumango na lang din ako.
Pumasok kaming dalawa ng elevator at siya na ang pumindot sa buton.
"Mukhang hindi mo na masyadong kasama si Lisa ah? Hindi ko na kasi siya nakikita eh" saad ko kaya napatingin naman siya sa akin.
"Ah si Lisa ba? Mas kailangan siya ni big bro sa opisina. Tsaka isa pa, masyado na silang busy para idagdag pa ako sa alalahanin nila. Hindi ko na rin naman kailangan ng bantay, si big bro lang naman ang epal eh" saad niya kaya natawa naman ako.
Badtrip talaga siya sa kuya niya, pero hindi 'gaya ng iba, sumusunod pa rin siya sa kuya niya at takot din siya dito lahit minsan ay nakakaya niyang barahin at sagutin si Drake. That's one of Yuno's trait that I like. Kahit anong asar ang nararamdaman niya sa kuya niya ay ginagalang at nirerespeto pa rin niya 'to bilang mas nakatatandang kapatid. Tapos kapagmay problema ang isa ay palaging nandiyan 'yung isa para tumulong. What a great brotherhood they have. Sana lahat 'di ba.
"So kamusta ka na, Yuno? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon maliban sa pagtulong sa business niyo?" tanong ko dahil medyo immature pa siya dati, pero medyo nag-matured na siya ngayon.
Anim na taon ba naman ang lumipas eh. Siguradong magma-mature talaga ang isang tao.
"Ah wala naman masyado, maliban sa bago kong tayong Bar dito sa Metro"
"Oh? May sarili ka ng Bar? Yah! Ang astig no'n! Kailan pa nagbukas?"
"Last month lang. Isang buwan pa lang pero maganda na agad ang takbo dahil maganda ang spot na nakuha ko. Madaling makita ng tao at isa pa, nakakaakit ang hitsura ng Bar ko" natatawa pa niyang saad kaya napangiti naman ako.
"Bisitahin ko nga 'yan kapag may spare time ako. Siguro naman libre ang unang punta ko diyan?" biro ko kaya natawa naman siya.
"You know what, my lady. Business is business. Magbayad ka noh. Baka malugi ako niyan" saad niya pa kaya mas natawa naman ako.
Biglang tumunog ang elevator. Hudyat na nandito na kami sa baba. Lumabas na kami at sabay na lumabas ng complex.
"So, see you around next time, my lady" saad niya.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!