Seven

941 43 59
                                    


***

Kakarating ko lang sa warehouse. Pinarada ko sa tagong lugar ang sasakyan ko dahil ito ang magsisilbing getaway vehicle namin mamaya kapag aalis na kami.

Hinanda ko na ang sarili ko bago ako lumabas ng sasakyan. Nagmadali ako dahil may narinig akong palitan ng putok mula sa loob. Shit! That Devil!

Mabilis akong pumunta sa gilid ng warehouse at nagsimulang umakyat doon. Hindi ako pwedeng pumasok sa entrance dahil masyadong delikado.

Pagka-akyat sa bubong ng warehouse ay sumilip ako sa bintana. May mga maliliit na bilog na bintana kasi ang ibabaw ng warehouse na 'to kaya makikita ko ang nangyayari sa loob.

Binuksan ko ito at tinignan ang sitwasyon sa loob. Nakita ko si Drake na nakatago sa isang poste habang patuloy siyang pinapaputukan ng mga tauhan ni Ocampo. Tch!

Sinilip ko kung ilan ang nasa loob at mukhang hindi lalagpas sa bente katao ang nandoon. Hindi ko makita si Ocampo. Nasaan na siya? Shit talaga.

Mabilis akong bumaba at babalik na sana ako sa loob ng sasakyan ng mahagip ng mata ko ang kotse ni Drake. Hmm.

Biglang may kung anong bumbilya ang umilaw sa ulo ko at agad na pinuntahan iyon. Mabuti na lang at pwede kong magamit ito kahit walang susi dahil mayroon itong handprint scanner.

Nilagay ko ang akin noong wala siya para kapag na-badtrip ako sa kaniya ay gagasgasan ko ang kotse niya. Hehe. Ang bait ko 'di ba?

Sumakay ako agad doon at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan niya. Hehe. Pasensya na Drake, mukhang magagasgasan ko ngayon ang pinakamamahal mong kotse. Kasalanan mo naman eh.

Pinaharurot ko ito papunta sa entrance ng warehouse at walang sabi-sabing binangga ko ang pintuan nito at pinaandar ito papunta sa lugar kung saan nagtatago si Drake.

Halata naman sa kanila ang gulat kaya agad kong binunot ang isang baril ko at agad silang pinaputukan. I only have 20 seconds to move dahil gano'n lang katagal ang itatagal ng pagkagulat ng isang tao. After no'n ay mag-uumpisa na silang makapag-react.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at tumambad sa akin ang gulat na mukha ni Drake. Aw, ang cute naman niya magulat, sarap sakalin.

"Sakay na!" sigaw ko kaya bumalik siya sa reyalidad at agad na sumakay sa loob.

Pinaikot ko ang kotse para makalabas na kami rito. "What the hell are you doing here, Ramses?" okey, tinawag niya akong Ramses. Mukhang seryoso siya ah.

"What the hell are YOU doing here? Baliw ka ba? Sinabi sa akin ni Master na para raw pala sa akin ang misyon na 'to, bakit mo inako?" saad ko at narinig ko naman siyang napa-tss.

"It's a trap." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong trap? Shit!" ubos na ang bala ng baril ko kaya hinagis ko ito sa backseat ng kotse.

"Walang transaksyon na nangyari doon. Nalaman kong trap lang ito kaya imbis na ikaw ang ipadala ko ay ako na lang mismo ang pumunta"

"Eh tanga ka pala eh! Alam mo na palang trap, bakit pumunta ka pa rin? Saan ba lumipad ang utak mo ha?" saad ko kaya sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Mind your words, Ramses. No cussing inside my car, understand?" saad niya pa at nagulat naman kami ng may biglang nagpaputok sa kotse namin.

Lah! Ang kukulit ah. Humabol pa talaga ang mga bwiset.

Binuksan ni Drake ang sunroof ng kotse niya at tsaka siya lumabas doon. Nakipagpalitan siya ng putok sa mga humahabol sa akin.

"Damn this assholes! Bakit ang dami nila? Fuck!" sigaw pa niya kaya napangiwi naman ako.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now