CHIARAIt's been two weeks at ngayon na ang araw kung kailan magiging pokpok ang ate niyo. Aish! I really hate this set-up. Ugh!
"Umayos ka nga Gray! Hindi kita maayusan sa likot mo eh," suway sa akin ni Jesse kaya pumirmi naman ako sa pagkakaupo ko.
"Knock, knock, pwede bang pumasok ladies?" tanong ni Xavier galing sa labas.
"Pasok," saad ko kaya bumukas naman ang pinto ng kwaeto ni Jesse.
Pumasok si Xavier at bigla siyang sumipol nang lumingon siya sa amin. "Wow, sino 'to Jesse? Hindi ko makilala," saad niya sabay upo sa upuan na nasa harapan ko.
"Tigilan mo ako Xavier dahil baka ihambalos kita riyan sa salamin na nasa harap mo," banta ko kaya napangiwi naman siya sa takot.
"Jeez, masyado ka namang aburido Chiara Gray, parang hindi tayo friends ah," saad niya pa sabay nguso. Tch.
"Anong friends? Matagal na tayong FO noh. Akala mo ba hindi ko nalaman ang ginawa mo?"
"Ano?! Jesse oh. Inaabandona na ako ni Chiara Gray!" Nagsumbong pa nga si tanga.
"Eh kung ako rin naman ang nasa posisyon ni Gray ay baka hindi lang FO ang matanggap mo, kung 'di isang suntok at sipa tapos ipapatapon pa kita sa arctic ocean."
"Bakit? Ano bang ginawa ko? Isang linggo akong wala. Paano ko naman kayo nabwiset?" Parang aso lang ah.
"You really don't know kung ano ang kasalanang ginawa mo?" tanong p ni Jesse kaya umiling naman si Xavier. Nakikita ko pa lang ang maamo niyang mukha, gusto ko na siyang sipain sa inis eh. Tch.
"Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito sa posisyong ito! Bwiset ka talagang Xavier Cronus ka! Alam mo bang gusto na kitang patayin sa oras na 'to?!" sigaw ko sa kaniya kaya nagulat naman siya.
"Huh?"
"Anong 'huh'? Akala mo ba hindi ko nalaman na ikaw ang nag-suggest kay master na ako na lang ang ipadala kaysa kay Jesse? Gusto mong tirisin kita ng buhay?" saad ko kaya natigilan naman siya.
"Hala! Naalala ko may nakasalang pala akong sinaing sa kusina, baka nasunog na. Check ko lang saglit ah?" kabado siyang tumayo sabay kaeipas nang takbo papuntang pintuan ngunit mabilis siyang nahatak pabalik ni Jesse.
"Ahh! Don't hurt my lovely face!" sigaw niya sabay takip ng mukha niya.
"Anong trip mo at ako ang naisip mo?" inis kong saad sabay pingot sa tenga niya kaya napasigaw naman siya sa sakit. Isa sa mga kahinaan ni Xavier ang tenga niya kaya kapag naiinis ako sa kaniya ay pinipingot ko siya ng sobramg diin.
"Ayaw mo no'n? New experience? Aray! Huhu!"
"Anong new experience ang pinagsasasabi mo riyan? Gustong makaranas ng bagong experience? Ha! Tutal ikaw naman ang nag-suggest nito, sasama ka sa aking bwiset ka!"
"A-Ano? Ano namang gagawin ko roon? Wait! Escort mo ba ako?" na-excite naman si tanga kaya napangisi kami ni Jesse sa kaniya.
"Hindi, you'll also be dressed up like me."
"What?! No fucking way! Ayoko!"
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Acak"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!