CHIARALunes na ngayon kaya maaga akong nagising. 4AM pa lang ay gising na ako. 6AM kasi ang pasok ko sa trabaho ko ngayon. Kailangan hindi ako ma-late dahil first day ko. Dapat maging maganda ang first impression nila sa akin.
Pagkabangon ko sa higaan ay nag-stretching muna ako at nag-warm up para hindi sumakit ang katawan ko. Pagkatapos no'n ay nagpahinga lang ako saglit tsaka ako naligo.
Matapos kong makaligo ay nag-almusal naman ako tapos tsaka ako nag-ayos ng sarili ko. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at tinignan ko kung nandoon na ba lahat ng gamit na kailangan ko. Nang masigurong nandoon nga ay lumabas na ako ng flat ko.
Simple lang ang attire ko. Peach colored chiffon blouse tapos pinaresan ng knee-length chocolate pencil skirt. Sinuot ko rin ang black pumps na binili ko pa sa Canada. Ang buhok ko naman ay tinali ko into stylish ponytail para maayos at pormal tignan.
Dumeretso ako sa parking lot para puntahan ang kotse ko. Pagkasakay ko ay biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Ba't napatawag ka?"
[Today's your first day at work. Galingan mo. Kapag natanggal ka bahala ka sa buhay mo. Hindi ka sasaluhin ng kumpaniya ko]
Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Devil. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi eh.
"Oo na, ayos ka rin eh. Tawag tawag pang nalalaman. Male-late ako niyan sa ginagawa mo eh." saad ko sabay paandar na ng sasakyan ko.
[Seriously speaking, good luck kahit alam kong magaling ka na masyado]
Saad niya pa sabay tawa ng mahina kaya natigilan ako. D-Did he just chuckled? Shit naman. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong sumikip. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Ano bang ginagawa ng Devil na 'yan? Balak niya ba akong patayin gamit ang tawa niya? Psh. Minsan ko na nga lang siyang marinig na tumawa, ikakamatay ko pa. Tch.
"Hindi mo na kailangan ipaalala na magaling ako. Aware ako do'n. Sige na, next year mo na uli ako tawagan! Bye!" saad ko tapos binaba ko na ang tawag ng hindi man lang hinihintay ang sasabihin niya.
Mabilis akong nakapunta sa gusaling papasukan ko dahil medyo malapit iyon sa flat na tinitirahan ko. Lumabas na ako ng kotse ko at napatingala ako dahil sa taas ng building na nasa harap ko.
May nakasulat pang FNRL Corp. sa pinakataas. Napangiti na lang ako bago ako naglakad papasok. Sa wakas at makakapagtrabaho na rin ako dito. Kasali kasi ang kumpaniyang ito sa TOP10 most promising companies sa bansa. If I'm not mistaken, panglima sila. Oh 'di ba? Ang galing.
'Yung sa amin kasi pang Rank 23 eh. Kahit 'yung kumpaniya na pinapatakbo ni Drake ay kabilang sa TOP10. Actually, pangatlo sila kaso ayoko roon dahil araw-araw ko lang makikita ang pagmumukha ng bwiset na 'yun.
Bago ako makapasok ay tinanong pa ako ng guard. Wala kasi akong id. Sinabi ko na lang na first day ko ngayon tapos sinabi ko rin ang full name ko kaya pinapasok na niya ako.
Dumeretso ako sa front desk para magtanong.
"Hi, good morning."
Tumingin naman sa akin 'yung babaeng nagbabantay at nginitian ako.
"Yes, how may I help you?"
"Uhm, gusto ko lang itanong kung nasaan ang finance department? Ngayon po kasi ang first day ko dito." saad ko kaya napatango naman siya.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!