Sixteen

643 32 24
                                    


CHIARA

"Miss Gray!" napalingon ako sa kanan ko at natagpuan ko si Finral na tumatakbo papalapit sa akin.

"Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry ngayon lang ako. I was caught on a traffic jam while i'm on my way here" excuse niya pa kaya nginitian ko siya.

"Don't worry, kakarating ko lang din" saad ko kaya napabuga siya ng hangin.

"That's a relieve then. Shall we head inside?" tanong niya pa kaya tumango naman ako.

Pumasok na kami sa loob ng mall. Habang naglalakad kami ay biglang kumalam ang sikmura ko. Shit! Hindi nga pala ako nakakain ng tanghalian kanina dahil buong tanghali akong tulog.

Nagkatinginan kami ni Finral dahil doon at namula ako sa hiya dahil bigla siyang natawa.

"Maybe we should eat first, do you agree?" siyempre tumango na lang ako.

Dumeretso muna kami sa isang fast food chain para makakain.

"Anong sa'yo, Miss Gray?" tanong niya habang nakapila kami dito sa counter.

"Ah, kahit burger and fries na lang sa akin tapos isang iced tea" sagot ko kaya tumango naman siya.

Matapos naming makapag-order ay naghanap kami ng bakanteng mesa at doon kami pumwesto. Kaagad naman akong kumain. Hindi ko na hinintay pang magsabi si Finral dahil nagugutom na talaga ako. Isasantabi ko muna ang pagiging conscious ko. Pagkain first, conscious later. Haha!

"Slow down, Miss Gray. Noone's rushing you so you can use all the time to eat" natatawa niyang saad kaya natigilan naman ako.

Shit. Nakakahiya. Mukha siguro akong baboy kumain. Huhu!

"Oh, wait a sec, you have some ketchup on your cheek" saad niya tapos bigla siyang tumayo at nilapit niya ang kamay niya sa akin.

Pinunasan niya iyon kaya natigilan naman ako. Ang gwapo talaga ni Finral lalo na sa malapitan. Ehem.

Ngumiti siya sa akin bago siya bumalik sa pagkakaupo. "There, wala na" bigla namang kumabog ang puso ko dahil doon.

D-Don't tell me gusto ko na talaga si Finral? But that's too rush. Imposibleng magkagusto ako sa tao in a short period of time.

Si Zeke nga eh, ilang buwan bago ko talaga siya nagustuhan eh. T-Tapos kay Finral, ilang araw lang? The heck? Alam kong mahilig ako sa mga gwapo pero paghanga lang 'yun. Hindi ako agad agad nagkakagusto sa kanila. Tch.

Hindi kaya dahil sobrang bait niya sa akin? Wala pa kasi akong nakikilalang lalaki na sobrang bait niya eh. Babae, oo, marami pero walang lalaki. Ayt! Mayro'n pala! Si Light, kaso kapatid ko siya kaya ekis na siya kaagad. Hays. Sabi ko pa naman ay magpapahinga na muna ako sa mga ganiyang love-love na 'yan kaso mismong katawan ko na ang nagre-react eh.

Tama nga talaga sila. Kung ano 'yung iniisip mo, siyang kabaliktaran ng gagawin ng katawan mo. Hays.

"Are you feeling alright, Miss Gray? You look flustered" saad niya kaya napaubo ako.

"Ah, eh. Wala 'to. Sige, kain ka na ulit" saad ko pa kaya pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.

Matapos naming kumain ay agad kaming tumungo sa cinema para manuod ng pelikula. Kyaaah! Excited na akong panoorin si Rurouni Kenshin! Aaah! Kenshin my lovidabs! Wait for me!

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now