Seventeen

702 43 16
                                    


***

"Oy sandali! Drake!" tawag ko pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Napapagod ako ah!

Hinubad ko ang isang sapatos ko bago bumwelo at binato iyon sa kaniya. Tumama iyon sa ulo niya kaya natigilan siya at nilingon niya ako.

Eeck! Nakakatakot ang hitsura niya ngayon! The hell? Napagdesisyunan na ba niya na maging legit na demonyo? Geez!

Galit siyang lumapit sa akin kaya napaatras naman ako. Bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napapikit ako.

"What the hell do you want, Ramses?" seryoso niyang saad kaya natahimik ako.

"I-Itatanong ko lang naman kung anong ginagawa mo diyan sa labas. Bakit nagagalit ka kaagad?" saad ko kaya natigilan naman siya.

"Tch. Eh ano bang paki mo? Porket nilayasan ka na ng bobong Finral na 'yun, sa akin ka naman lalapit?"

"What?"

"Nahawa ka na rin ba sa bobong 'yun? Bakit hindi mo maintindihan ang gusto kong sabihin?"

"Dahil ba 'to sa pag-iwan namin sa'yo kanina? If that's the reason then i'm sorry."

"It's not that, okey?"

"Eh ano?"

"Ang pagiging close mo kay Finral ang issue dito. Hindi ka na ba nadala dati? Sinabihan na kita na huwag ka ng masyadong magtitiwala basta basta pero noong nakita mo si Finral, para kang nabaliw! Ilang araw pa lang kayong magkakilala pero kung sumama ka sa kaniya, parang long time friend mo na siya. Tapos nagpapahalik ka pa. Tch" eh?

"Iyun lang ba ang problema mo?" saad ko kaya hindi siya makapaniwalang tinignan ako.

"Did you not get the point?"

"I get it, pero gusto ko lang malaman kung nagseselos ka ba kay Finral?" tanong ko kaya natigilan naman siya.

"No, i'm not" saad niya kaya napangiwi ako.

"Yes, you are" saad ko pa.

Matagal ko ng alam na may gusto sa akin si Drake pero hindi ko iyon pinansin. Paano ko nalaman? Sinabi sa akin ni Yuno. Mas loyal pa 'yun sa akin kaysa sa kuya niya eh.

"What? Fine! So what?"

"So you really are jealous?"

"Kakasabi ko lang 'di ba? Oo nagsesel-" I cut his words short when I planted a kiss on his cheek.

"There. Hinalikan ako ni Finral, hinalikan naman kita. Patas na kayo kaya huwag ka ng magalit. Tch. Para kang batang may topak" saad ko pa.

"Okey na ha? Papasok na ako sa loob. Ang lamig na eh" saad ko pa pero bigla niya akong hinila.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Sinubukan ko siyang itulak kaso nakayakap sa bewang ko ang dalawang braso niya. Hindi ako makawala.

Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya kaya mas lalo akong natigilan. "What are you doing, Drake?" saad ko sa pagitan ng paghalik niya sa akin.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay mas nilaliman pa niya ang halik sa akin. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang pumasok sa utak ko ng mapagdesisyunan kong gantihan ang halik niya sa akin.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa batok niya para humingi ng suporta. Naramdaman ko pa ang pagngisi niya dahil sa ginawa ko.

Napapikit ako sa sakit ng bigla niyang kagatin ang labi ko. Matapos no'n ay humiwalay na siya sa akin. May nalasahan akong malansa. Shit.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now