***"AAAAAAHHHH!!!"
"BWUHAHAHAHAHA!"
Tawang tawa ako sa hitsura ni Drake. I didn't know na may ganito pala siyang side. Hahaha!
Nakasakay kasi kami sa roller coaster at simula noong umandar 'yung coaster ay wala na siyang ibang ginawa kung 'di ang sumigaw.
"DON'T LAUGH! AAAAHHH! LET ME DOWN! FUCK!" Hahaha! LT!
"I'M GOING TO KILL THAT OPERATOR ONCE I GET OFF THIS FUCKING COASTER!!! DAMN IT!"
"Umayos ka nga Drake. Pinagtatawanan ka na ng mga nasa likod natin! Tayo pa naman ang nasa pinakaharap!" suway ko sa kaniya kaso hindi niya ako naririnig dahil ang lakas talaga ng sigaw niya.
Hindi ko talaga mapigilang tumawa kasi nga parang hindi siya si Devil! Todo pikit kasi siya ngayon. Mukha siyang ewan!
.....
"Blaargh!"
Nandito ako malayo kay Drake. Dugyot kasi ang hinayupak. Pagkalapag ng coaster ay umalis agad siya at tumakbo papunta sa gilid ng drainage para sumuka. Ewww!
"Tapos ka na ba? Oh, tubig!" saad ko at diring diri na inilalapit sa kaniya ang bottled water.
Kinuha niya ito tapos nagmumog siya bago siya uminom. Pagkatapos no'n ay lumapit na siya sa akin.
"Ayos ka na?" tanong ko kaya tumango naman siya.
"Great! So can we go to the next ride?" tanong ko kaya natigilan naman siya.
"Pwede bang hindi extreme ride ang sakyan mo? Pakiramdam ko mauubos lahat ng kinain ko kanina eh." reklamo niya. Ano ba 'yan!
"Sige, iba na lang. Ano bang maganda?" tanong ko kaya nag-isip naman siya.
"Huwag na muna kaya tayong mag-rides? Sobrang dami na rin nama nating nasakyan eh." sabagay may point siya.
Lagpas na yata sa lima ang nasakyan namin at puro extreme rides 'yun. Hahaha! And everytime na sasakay kami sa ride ay gano'n lagi ang ekspresyon ng mukha ni Drake.
"Okey sige pero ano ng gagawin natin? Ah! Tara mag-photoshoot na tayo! Habang hindi pa masyadong madilim. Ayos ba 'yun?"
"Much better than riding those awful rides." saad niya kaya napangiwi naman ako.
Kung saan saang bahagi ng park kami pumunta para magpa-picture. Siyempre si Drake ang camera man ko. Hehe!
"Ikaw naman, Devil! Dali! Pose ka rito. Tayo ka lang diyan tapos lagay mo 'yung kamay mo sa bulsa mo. Lingon ka rin sa kanan mo para maangas tapos medyo i-bend mo ang kanang tuhod mo paharap. 'Yan! Tama 'yan!" utos ko sa kaniya bago ko siya kinuhaan ng litrato.
"Woah! See? Ang galing ko talagang kumuha. Apply kaya ako as freelance photographer? Hahaha!" saad ko habang pinapakita sa kaniya ang nakuha kong picture niya.
"Not bad." komento niya kaya napangiwi naman ako.
"Wow ah. Not bad talaga? Hindi pwedeng maganda na?" kapal talaga nito kahit kailan.

YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
De Todo"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!