Two

928 40 13
                                    


***

Pagkahatid sa akin ni Dark ay agad din siyang umuwi. May gagawin pa raw kasi siya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa flat ko ay biglang nag-ring ang phone ko. Its from Xavier. Sinagot ko naman ito.

"This is X. What's the update?"

[We already know his base. Sasama ka ba sa raid o kami kami na lang nila Ronnie?]

"Hmm. Sasama ako. Nakauwi na ako. Wait me at the HQ. I'll be there within fifteen minutes"

[Okey, got it. Bilisan mo dahil nakahanda na kaming dalawa]

"Oo na. By the way, nagawa mo ba ang inutos ko sa'yo noong nakaraang linggo?"

[Of course. The bookshelf inside your room. I customized it. Just pull the book na may title na 'Code X' then the shelf will spin around. Nandoon na lahat ng gamit na sinabi mo]

"Okey, magaling. Sige, bye na"

Pinatay ko na ang tawag bago ako dumeretso sa kwarto ko. Nilapitan ko ang bookshelf at hinanap ang nasabing libro. Nang mahanap ko na ito ay agad ko itong hinila kaya bigla namang umikot ang shelf at bumunga sa akin ang isang stante na puno ng iba't ibang armas. Nice.

Napangiti ako dahil sa nakita ko. Aaahh. Na-miss ko kayo mga babies ko.

Iniwan ko muna iyon at agad akong nagpalit ng damit. All black ang attire ko ngayon.

I wore a fitted tank top and a trouser with a trench coat on. For my footwear, I got my high heeled ankle boots. Kinuha ko rin ang phantom mask ko na nakalagay sa stante at sinuot iyon. Lagi akong nakasuot ng mask para hindi ako agad makilala ng ibang tao.

Matapos kong makapag-ayos ay kinuha ko ang hardballer gun ko at nilagyan iyon ng silencer. Okey, I'm ready to go.

I grab my phone before I head outside. Dumeretso ako sa parking lot ng complex dahil nandoon naka-park ang kotse ko.

Pagkarating ko ng parking lot ay agad akong sumakay sa auto ko at pinaandar ito papunta sa HQ. After a few minutes of driving ay nakarating na ako Exe's Manor. Ang bahay na binili ni Master para maging headquarters namin.

Pumasok na ako sa loob at naabutan ko silang lahat sa living room at mukhang inip na inip na si Xavier. Psh.

"Hey, let's go" saad ko kaya lumingon naman sila sa akin.

"Woah! Angas ng porma natin ngayon, Sis Ae, ah?" saad ni Ronnie kaya kinindatan ko lang siya.

"Hoy, Chiara Gray. Napakatagal mo" reklamo ni Xavier kaya nilapitan ko siya at piningot ko ang tenga niya.

"Kaya nga tara na eh" saad ko sabay hila ng tenga niya palabas. Natatawang sumunod na lang si Ronnie sa amin. Kaming tatlo lang ang pupunta doon dahil may kaniya-kaniya ring ginagawa ang iba dito sa HQ.

Pagkalabas namin ay agad kaming sumakay sa Rover ni Xavier. Siya ang driver namin eh.

"Nasaan ang kuta ng gagong Leandro na 'yun?" tanong ko kay Xavier.

Si Leandro kasi ang boss ng grupong Larynx. Nalaman ko kasing konektado siya sa transaksiyon na naganap noong nakaraang buwan. Kailangan kong mahanap kung sino ang puno't dulo ng mga transaksiyong ito.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now