Twenty One

815 45 49
                                    


***

"Bakit mo ako pinatawag, Master?" tanong ko pagkapasok ko ng opisina niya.

"Oh, Gray! Mabuti naman at nandito ka na. Maupo ka rito, nagluto ako ng paborito mong pagkain" saad ni Master habang hinahanda niya ang pagkain sa ibabaw ng office table niya.

"Naku, Master! Alam niyo bang nag-aalmusal na sila kanina? Istorbo talaga kayo. Mas masarap pa naman 'yung almusal nila" singit ni Xavier kaya tinignan siya ni Master.

"Gano'n ba? Pasensya na kung gano'n. Ituloy mo na lang dito ang pagkain mo. Masarap din naman 'yan" saad ni Master kaya natawa naman si Xavier dahil sa reaksyon ng mukha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ko hinubad ang sapatos ko at binato sa kaniya.

"Aray! Masakit 'yun ah!" daing niya pero binelatan ko lang siya.

"Siya nga pala, Master. Ano ba ang importanteng sasabihin mo sa akin?" tanong ko kaya sumeryoso naman ang mukha niya.

Sinenyasan niya si Xavier na lumabas muna para makapag-usap kaming dalawa. Hawak hawak ni Xavier ang braso niya habang papalabas siya ng kwarto. Inambahan pa ako ng gago pero binato ko siya sa ulo ng isa ko pang sapatos bago siya tuluyang makalabas. Gago ka ah.

"Gray, I have a task for you" biglang saad ni Master kaya hinarap ko siya.

May inilapag siyang folder sa mesa kaya kinuha ko iyon at tinignan ang laman. Kumunot ang noo ko dahil kilala ko ang nasa litrato.

"That's Atom, Gene's right-hand man" saad ni Master kaya napatitig lang ako doon sa picture.

Siya 'yung kasama ni Manuelo sa casino. 'Yung may maskara na katulad ng akin. So siya pala ang kanang kamay ni Gene. Tch.

"Kilala ko ang taong 'yan. Nakausap ko na siya minsan doon sa casino ni Manuelo." saad ko kaya halata naman ang pagkagulat sa mukha niya.

"I see. Kaya pala ang bilis kumilos ni Gene dahil pinadala niya ang kanang kamay niya. Naalala mo noong pinasok ang unit mo? Siguradong siya ang may kagagawan noon" saad pa ni Master.

Oo tama. Paano naman kasi nila malalaman 'yun kung walang nagbigay alam sa kanila, 'di ba? So ang Atom pala na ito ang may kagagawan no'n. Tss.

"So anong gagawin ko sa Atom na 'yan?" tanong ko kaya napakamot siya sa batok niya at nahihiyang tumingin sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa hitsura niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong hindi maganda ang susunod niyang sasabihin.

"You need to seduce him for us to gather some information about the Genus" nag-aalangan niyang saad kaya nanlaki ang mata ko.

"What?!" sigaw ko na medyo ikinagulat niya.

"Bakit ako? Hindi ba't kay Jesse trabaho ang mga pang-aakit na 'yan?" reklamo ko pa kaya napabuntong hininga naman siya.

"May tinatrabahong iba si Jesse kaya hindi siya pwede. Hindi ko naman pwedeng iasa sa ibang babae dahil kayong dalawa lang ni Jesse ang asset ng mafia natin. Kaya gawin mo na 'to" pagpupumilit niya pa kaya tumayo ako at tumabi sa kaniya.

"Eeeeeh! Master naman! Ayokong gawin. Hindi naman ako marunong mang-akit ng lalaki. Hindi ako katulad ni Jesse. Eh kung dakipin ko na lang si Atom tapos torturin ko para umamin?" suggest ko pa pero umiling siya.

"Hindi mo madadaan si Atom sa pananakot. Hindi siya magiging kanang kamay ni Gene ng wala lang. Kasi kung alam kong gagana naman 'yan, hindi na kita pipilitin sa bagay na ayaw mo. Alam mo naman 'yan 'di ba?" saad niya pa habang hinahaplos ang buhok ko.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now