CHIARABumangon ako mula sa pagkakahiga dahil biglang sumakit ang ulo ko.
Aw! Sobrang sakit ng ulo ko. Ano ba ang nangyari kagabi? Aalis na sana ako sa kama ng may mapansin ako sa sarili ko.
Why am I only wearing my undies?!
Kaagad akong napalingon sa katabi ko at biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko doon si Drake na sobrang sarap ng tulog.
B-Bakit wala siyang suot na damit pang-itaas? Bakit pantalon na lang ang suot niya? A-Ano ba ang nangyari kagabi? Bwiset naman oh.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit no'n pero kahit na, inalala ko pa rin ang nangyari.
Ang huli kong natatandaan ay nasa bar ako tapos sinundo niya ako and then inihatid niya ako dito sa flat ko tapos...
Natigilan ako ng may isang scene akong naalala. Panaginip ba 'yun o totoo? Bakit parang may naaalala akong hinalikan ko siya? Tapos...tapos ang virgin kong mga kamay, w-wala na!
Bakit ba kasi ang likot ng kamay ko? Kung saan saan dumadapo! Shit!
Teka! Ibig sabihin ba no'n ay may nangyari sa pagitan namong dalawa?
"No, no, this can't be real. No. This is just a dream. It must be a dream. Hindi 'to totoo" saad ko pa habang sinasampal ang sarili ko para magising na ako.
"Why are you slapping your face? Nababaliw ka na ba?" nagulat ako ng biglang magsalita ang katabi ko.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsampal sa sarili ko kaso pinigilan niya ito.
"Hey. What's the matter? Why are you hitting yourself like an idiot?" aburidong tanong niya.
Aba! May gana pa siyang mainis diyan! Sigurado naman akong ginusto niya ang nangyari sa aming dalawa! Mga lalaki nga naman oh!
"Huwag mo akong tanungin! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin kagabi! Huhu. My vcard" saad ko pa kaya kumunot naman ng matindi ang noo niya.
"Ano na naman ba 'yang pinagsasasabi mo ha?" halatang naiinis na siya sa akin.
"M-May nangyari sa ating dalawa, 'di ba?" saad ko pa kaya natigilan naman siya saglit bago niya inilapit sa akin ang katawan niya.
Umatras pa ako para lang lumayo sa kaniya. Muntik na akong mahulog sa kama pero inalalayan niya ang likod ko kaya mas lalo lang siyang napalapit sa akin.
Nagulat ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya, bubulong lang pala.
"Why? Do you want me to fuck you, huh?" saad niya kaya tinulak ko siya.
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin 'yan! Sinong gugusto na makipag-sex sa'yo ha?!" inis kong saad pero siya'y mukhang aburido pa rin.
"That's good because I don't want to either. Kahit maghubad ka pa sa harap ko." asar niyang saad pero mas naasar ako. "Ay, depende pa rin pala" dagdag pa niya habang nakangisi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh, b-bakit tayo nakahubad?" tanong ko pa kaya nagulat ako ng bigla niyang ginulo ang buhok niya at inis na tumingin sa akin.
"What? Ba't ganiyan ka makatingin?" inis siyang napangiwi na parang hindi siya makapaniwalang hindi ko alam ang nangyari kagabi.
"Hindi mo ba natatandaan?" tanong pa niya kaya umiling ako.
"Paano ko naman matatandaan eh lasing nga ako" mataray kong saad. "Huwag mo sabihing mayro'n talagang nangyari sa atin?!"

YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!