***"I love you..." natigilan ako sa sinabi niya.
"A-Ano?"
"I love you, Sandra" S-Sandra? Who's that? Ex-girlfriend niya?
"Hoy, Drake! Ang bigat mo." hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil wala naman itong kinalaman sa akin.
"Hoy Yuno! Baka naman! Tulungan mo na lang akong buhatin ang Devil na 'to papunta sa sasakyan niya." saad ko kaya lumapit naman siya sa amin.
Tinulungan niya akong akayin si Drake papunta sa loob ng sasakyan at noong malagay na namin siya sa backseat ay nagpaalam ni si Yuno sa akin.
Kinuha ko ang susi sa bulsa ni Drake at agad na minaneho ang sasakyan papunta sa bahay niya.
Medyo matagal din bago kami nakarating sa bahay niya dahil malayo layo ang bahay nila Seth kumpara sa mga tinitirahan namin.
Hininto ko ang sasakyan tapos lumabas ako para buksan ang pinto ng backseat. Niyugyog ko si Drake pero mukhang tulog na ito. Aish! Grabe naman 'to malasing! Bakit ba kasi ang dami niyang ininom? Kung alam ko lang talaga na ako pala ang mahihirapan, sana pinagbawalan ko siya.
Lagot talaga siya sa akin kapag gising niya bukas. Napakabigat kaya niya. Sinalabay ko siya at hinila papasok ng bahay niya. Mabuti na lang at walang second floor ang bahay niya at nasa baba lang ang kwarto niya. Naku, mapapatay ko talaga siya kapag gano'n.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at hinagis siya sa kama. Haaays! Pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto.
"Bwiset ka talagang demonyo ka kahit kailan. Pahirap ka sa buhay" reklamo ko kahit alam kong hindi niya iyon naririnig.
Hinubad ko ang sapatos niya para makahiga siya ng maayos. Ang bait ko kasi sobra kaya ganito. Hays.
Nang masiguro kong maayos na siyang nakahiga ay nagpasya na akong lumabas kaso bago pa man ako makalabas ay nagulat ako dahil may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
What the hell? Akala ko ba tulog na siya?
"Don't leave me, Sandra." saad niya kaya kumunot na naman ang noo ko.
Sandra siya ng Sandra. Sino ba ang Sandra na 'yan. Hindi naman ako 'yun, yawa naman oh!
"Hoy, Devil. Kung sino man 'yang Sandra ang pinagsasasabi mo, wala na ako doon. Bitawan mo na ako dahil gusto ko ng umuwi." saad ko habang tinatanggal ang pagkayakap niya pero mas lalo lang itong humigpit.
"No! I can't let you leave me again, Sandra. I can't afford to lose you again. Sapat na ang isa, ayoko ng pakawalan ka." natigilan ako dahil narinig ko siyang humikbi.
Is the Devil crying? Seryoso?
Humarap ako sa kaniya at totoong umiiyak nga siya. Mukha siyang bata na naagawan ng lollipop. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaniya.
"Hindi ako si Sandra, Drake." saad ko pero umiling siya.
Ang lakas na ng tama ng alak sa lalaking 'to. He mistaken me for someone else. Hays. Nakakabobo ba ang pag-inom ng alak? Psh!
"Please! Stay here with me. Don't leave me anymore. I feel scared when you're not with me." S-Si Drake marunong matakot? Wow. That's news for me.
"Fine, i'll stay. Huwag ka ng umiyak diyan." saad ko pa sa kaniya habang pinupunasan ko ang luha niya.
YOU ARE READING
CODE X |S.C. BOOK 2|
Random"I can be sweet as chocolate but I can also be crazier than a psychopath" - X Note: Read Section Clover before you read this. Ja!