Eleven

671 33 20
                                    


YUNO

Aish. Kaasar talaga gurang na Drake na 'yun. Ang daming gustong ipagawa sa akin.

Kaninang umaga, mga papeles. Ngayon naman, gusto niya akong bumili ng tanghalian para sa kaniya dahil wala raw siya sa mood lumabas ng opisina niya. Psh. Pati problema niya, ipapasa niya sa akin. Tch.

Kung hindi ko lang talaga siya kuya, hindi ako mag-aabalang sumunod sa kaniya. Hays.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar iyon papunta sa pinakamalapit na resto na alam ko. Huminto ako sa harap ng Setone's Diner. Si Seth ang may ari nito. Dito ako madalas kumakain dahil masarap ang mga pagkain.

Hindi kami close ni Seth pero ngayon ay medyo malapit na kami sa isa't isa dahil regular customer na niya ako. Madalas kaming magkausap at minsan nga ay si my lady ang topic namin lalo na noong mga panahong wala siya rito sa pinas.

Pumasok na ako sa loob. Nginitian ako ng attendant at tinanguan. Kilala na kasi nila ako. Regular customer nga 'di ba.

"Welcome, Sir Yuno. Would you like me to send you to your usual spot?" tanong niya kaya umiling ako.

"No need but thank you" nilagpasan ko na siya at dumeretso na ako sa looban.

Umupo ako sa spot ko. Simula noong nakilala ako ng mga trabahador dito, lagi na nilang nire-reserve ang table na ito sa akin. Only for Yuno lang daw. Hahaha!

Lumapit sa akin ang isang waiter kaya napatingin naman ako sa gawi niya.

"Good day, Sir Yuno. The usual po ba?" tanong niya kaya umiling ako.

"No. Actually, I'm going to have a take out order. Just give me your bestseller and make it three servings"

"Noted sir. Please wait for awhile. We will prepare it immediately" tumango naman ako kaya umalis na siya.

Sumandal ako sa upuan at nilibot ang paningin ko sa buong resto. Bigla naman akong napaayos ng upo dahil nakita ko si my lady. Mwehehe! Kung sinuswerte ka nga naman oh!

Tatayo na sana ako para lapitan siya kaso ngayon ko lang napansin na may kasama siya at lalaki pa. Kumunot naman ang noo ko dahil nakilala ko ang kasama ni my lady. Why the hell is he with my lady? Tch.

Tumayo ako at casual na naglakad papalapit sa kanila. Mukhang napansin naman ako ni Chiara dahil siya ang nakaharap sa gawi ko.

"Oh! Yuno! Ginagawa mo rito? Lunch?" tanong niya kaya tumango ako.

Napalingon naman si Finral sa gawi ko at bigla niya akong nginitian ng napakatamis. Napangiwi naman ako dahil doon. Bakit mukhang anghel ang lalaking ito? Lalo akong naiinis dahil doon. What if kung si Drake pa ang kaharap niya. Tch.

"It's been a long time, Yuno. How are you doing? How's Drake?" tanong pa niya kaya nginitian ko lang siya ng pilit.

I never like this guy kahit anong bait niya sa amin ni Drake. Mas naiinis pa nga kami dahil sa sobrang bait niya eh.

Kung bakit kami magkakakilala, iyun ay dahil business partner namin ang kumpaniya nila at magkaklase si Drake at Finral noong college sila. Mula first year to fourth year kaya parang magkaibigan na sila, na minsan tinatanggi ni Drake dahil nayayamot siya sa ugali ni Finral.
"We're doing great. You don't need to worry about us, Finral" saad ko pa kaya natawa naman siya.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now