Five

882 44 38
                                    


EZEQUIEL

"I'm sorry" saad ko kaya natigilan naman siya.

"Sorry? Para saan naman 'yun?" takang tanong niya kaya napahawak ako sa batok ko.

Shit! Bakit ba ako kinakabahan sa harapan niya? Aish.

Nabigla talaga ako ng makita ko siya kanina. After six years. Matapos kasi ng araw na 'yun ay hindi ko na ulit siya nakita. Nabalitaan ko na lang kila Seth na lumipad na siya papuntang Canada kinabukasan.

Akala ko kanina ay hindi niya ako kakausapin. Akala ko magagalit siya sa akin. Akala ko susungitan niya ako. Dahil 'yun ang normal na nangyayari pero nagulat ako dahil parang wala man lang nangyari. Parang hindi siya nasaktan. Parang hindi ko siya nasabihan ng masasakit na salita. Pero bakit parang ako 'yung nasaktan nang gawin niya iyon?

Ibig sabihin ba no'n ay hindi na niya ako gusto? Na naka-move on na siya? Hays. Hindi na nakakapagtaka 'yun sa ugali ni Chiara. Tsaka anim na taon na ang lumipas. Talagang makakalimutan na niya 'yun.

Siguro ngayon na ang tamang panahon para humingi ako ng patawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya dati. Hindi ko kayang sabihin ang problema ko sa kanila, pero noong sinabi niya sa aking tutulungan niya ako? Muntik na akong bumigay noon at talagang papayag na ako na makipagtulungan sa kanila kaso hindi ko ginawa.

Mga gangsters lang kami at wala kaming laban kay Dylan dahil kabilang siya sa Mafia.

Masyado kong mahal si Chiara para hayaan siyang mamatay. Kung hindi ko ginawa ang pananakit sa kaniya, siguradong bangkay niya ang tatambad sa akin dahil may nakatutok na baril sa kaniya noong mga oras na iyon. Alam ko ang ugali ni Dylan. Kahit hindi ko man iyon nakita, siguradong gagawin niya iyon. Alam kong may inutusan siya para gawin 'yun. Masyado siyang sigurista.

Tignan niyo na lang ang nangyari kay Seth kaya hindi na ako nagdalawang isip na saktan siya. Atleast buhay siya kaysa naman sa patay. Kaya ko pa namang suyuin si Chiara pabalik pero ang patay hindi na.

"Sorry sa mga nasabi ko sa'yo dati. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya 'yun. Wala akong ibang pagpipilian kung 'di ang saktan ka. Ayokong gawin 'yun. Kaya sana mapatawad mo ako" seryosong saad ko at hinintay siyang magsalita.

Tahimik lang siya pero wala man lang gulat sa mukha niya. Maya maya pa ay nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

"Pfft! Seriously, Zeke? Hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin 'yan? Move on din kapag may time. Alam ko namang may gumagamit lang sa'yo. 'Yung mga sinabi ko sa'yo noon? Hindi 'yun totoo. You know that I don't hate you up until now. Na-disappoint nga lang ako sa naging desisyon mo pero wala na iyon sa akin." saad niya pa kaya ako naman ang natahimik ngayon.

"Matagal ng nangyari iyon. Let's forget it. Mga bata pa tayo noon kaya may mga impulsive actions tayong nagagawa. Magagalit ako sa'yo kung ngayon na matanda na tayo mo iyon gagawin pero dahil bata pa tayo noong nangyari 'yun, kalimutan na natin 'yun. It's time to act like a matured person" nakangiti pa niyang saad kaya napabuga ako ng hininga.

"Huy, ano? Move on na okey?" saad niya pa kaya dahan dahan naman akong tumango.

I hate this pero mas okey na 'to kaysa sa eksenang naisip ko. Atleast she's not angry at me anymore pero may part pa rin sa akin na nasasaktan dahil parang wala na lang ako sa kaniya.

CODE X |S.C. BOOK 2|Where stories live. Discover now