CHAPTER 7.REGRETFUL?
"Good morning,"Yuri greeted with a wide smile entering the entrance of their coffee shop.
"Good morn-"Anne was about to respond when she saw Ian dazzlingly entering their shop following her friend.
"Hi,"he greeted shortly.
Napaawang ang labi ng tatlo at hindi agad nakapagsalita, nang biglang magpakawala ng malakas na tawa si Jess, dahilan para lingunin siya ng karamihan. Kakaunti palang ang customers dahil maaga pa, agad silang napakunot-noong lahat.
Nagpatuloy ang pagtawa nito. "Akala 'ko kung sinong guwapo," mas lumakas ang tawa nito. "Ikaw pala Ian, sayang taken ka na,"tawa-tawang aniya.
For Yuri and the rest of her friends, it's seemingly awkward because Jess is not expressive as they knew. Kaya maging sila ay nakatabingi rin ang ngiping nakisabay sa pagtawa nito.
"Gaga, kung makareact ka naman!"sininghalan ni Kate si Jess. "'Wag mo ngang tinatakot itong si Ian at baka isiping sa atin talaga nagmana sa kabaliwan itong si Yuri,"aniya, nakaturo ang daliri ni Kate sa kaniya. Nanlaki ang mata niya.
"Ba't ako nadamay d'yan?"mabilis niyang protesta.
"'Wag ka nang umangal, totoo naman." Siniko siya nito sa braso habang ibinubulong iyon. Nakaawang ang bibig niya ng tuluyan siya nitong talikuran.
"Ian." Naglakad si Kate papalapit kay Ian. "I didn't expect you will come here,"aniya at gusto niyang umismid dahil kahit kailan hindi naman talaga ito naging entertainer ng mga lalaki.
Puwedeng-puwede na nga niyang isipin na man hater ang gaga niyang kaibigan.
"Yeah, I'm on leave today, I finished all my works yesterday so I have my free time,"simpleng sagot ni Ian.
Hindi niya nilingon ang dalawa sa halip ay binalingan ang dalawa niyang kaibigan na nakatayo lang sa isang sulok habang nakangising pinagmamasdan sila.
"She said she wants to see you so I decided to come with her,"dagdag ng asawa.
"Yeah?"sagot ni Kate sa tonong tila ba hindi kumbinsido. Nakatabingi ang ngiti niyang nilingon ito saka niya itinaas ang isang kilay.
"He wants to see our shop,"sagot niya. Binigyan niya ng isang makahulugang tingin ang kaibigan, umaasang lulubayan na nito si Ian.
"Thank you then, for coming here,"ani ni Kate bago siya binalingan.
"So Yuri, since bet mong magtrabaho why don't you entertain our customer,"pinagkadiinan nito ang mga salita. Nakakunot-noo niyang nilingon ang dalawa na humagikhik pa.
Anong mayro'n?
Napakunot-noo siya dahil pakiramdam niya ay may kung anong ginagawa ang mga kaibigan niya na parang alam niya pero hindi niya rin matukoy kung ano.
"Diba sa counter ako?si Anne ang nakatoka diyan ah,"wala sa loob niyang sagot.
"May problema ba ro'n Eurica?"salubong ang kilay niyang sumimangot bago niya naramdaman ang pagkalabit ni Jess sa tagiliran niya.
"Nabuntis kalang nakalimutan mo na siya ang manager?"bulong nito. Nanlalaki ang mata niyang tiningnan ito saka ngisingising nilingon ulit si Kate.
"Hehehe, oo nga pala." Napakamot siya sa ulo saka ngumuso.
Sila-sila lang kasi ang nagmamanage sa Coffee Shop nila dahil nagsisimula palang rin naman sila no'ng nakaraang taon.
Full time silang nagtratrabaho kaya kaniya-kaniya na'rin sila ng toka kung sana man nadestino.
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...
![[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)](https://img.wattpad.com/cover/248254391-64-k63682.jpg)