CHAPTER 32. DECISION
"Okay ka lang ba?anong nangyayari sa'yo?akala ko ba aalis ka para puntahan si Ian?woy!bakit tulala kalang d'yan?!ano bang nangyayari sa'yo!Yuri!" Patuloy ang pagyugyog sa kaniya ni Kate pero hindi siya natinag at parang walang lakas na naupo sa upuan.
Ang mga luhang kanina pa niya pinapahiran ay unti-unti na namang naiipon at nagbabadyang tumulo.
"Yuri girl, anong nangyari?"nagsimula nang lumapit si Anne maging si Jess sa kaniya.
"Yuri, ano bang nangyayari sa'yo?"narinig na niya ang boses ng kaniyang Kuya.
Kung kanina ay iniisip niya kung paano gagawa ng pag-uusapan para kausapin na siya ng kapatid ngayon balewala na sa kaniya ang lahat.
Nararamdaman niya ang pananakit ng dibdib. Kanina pa niya pinipigilan ang emosiyong gustong lumabas sa kaniya dahil nag-alala siyang makakasama iyon sa kaniyang kalusugan partikular sa kan'yang anak sa sinapupunan.
"Si...."ni hindi niya maisantinig ang balak na sabihin. Bakit kay hirap at kay bigat ng pakiramdam niya?
"A-ano....n-namatay na kasi pusa ni Seo Joon,"pang-iimbento niya kasabay ng pagpahid ng mga luha.
Tumayo na siya at lumabas ng silid na iyon . Nagmamadali siyang pumasok sa kalapit na banyo, mabilis niya itong inilock at doon inilabas at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Matunog siyang umiyak.
Wala siyang pakialam kung sino ang makakarinig dahil siya lang naman ang tao sa loob.Nakahawak ang kamay niya sa kaniyang dibdib, kahit ang paisang pag patak ng luha niya lahat 'yon ay pigil. Hindi niya matanggap ang mga narinig, at ang kaalaman sa sariling isa siyang maduming babae...ni kahit siya...hindi niya alam kung sino ang nakasiping ng araw na 'yon...na kahit siya mismo...ay hindi alam kung sino ang ama ng sariling anak...gano'n siya karumi...at kawalang kuwentang babae.
Suminghap ulit siya, hindi niya mapigilan ang sarili...ni hindi niya mapahinto ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisnge niya.
Paano niya haharapin si Ian?si Doc Ivan?ang kapatid?ang mga kaibigan?ang mga tao?kahit ang nasa sinapupunan niya...hindi niya alam kung paano ito haharapin at ipapaliwanag kung balang araw sino ang kaniyang Ama.
Napuno siya ng pagsisisi, kanina lang ay siniguro niya sa kapatid na sigurado siya sa piniling landas...na sigurado siyang hindi sila maghihiwalay ni Ian. Pero ngayon... bigla niyang naalala ang nakitang pag-aalinlangan sa mga mata ng asawa nang kausapin ang Kuya Yuan niya. Gano'n ba?dahil alam na niya noon ang lahat?
Halo-halo ang emosiyon niya, at kahit anong kagustuhan niyang iwaksi at burahin lahat ng 'yon ay hindi niya magawa...kulang na kulang siya ng lakas.
Wala siyang kapangyarihan para ro'n. Ang kagustuhan na lamang niya ay ang maisalba ang anak, ayaw niyang pati ito ay mawala...mas hindi niya iyon kakayanin.
Gusto niyang isa-isahin ang nararamdaman. Ang pakiramdam ng pinagkaisahan, pinagsamantalahan, niloko, pinagkasinungalin ng taong lubos niyang pinagkatiwalan, ang pakiramdam na nawalan, na pinagmukhang tanga at pinaglaruan.
Ang galit, sakit, lungkot at pagsisisi. Lahat ng 'yon ay gusto niyang ilabas pero hindi puwede...dahil lahat ng 'yon ang siyang sisira at magpapahamak sa kaniya.
Dahil sa sitwasyon niyang iyon...isang matinding emosiyon lang na kumuwala sa kaniya...mawawala sa kaniya ang anak.
Para siyang halimaw na nagpipigil na maglabas ng nakakatakot na hinagpis at galit sa paligid. Baka mas maintindihan pa niya ang halimaw dahil sa pagtitiis na ginagawa nito, dahil kagaya nito... gano'n ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...