Chapter 34: Moving On

140 12 0
                                    

CHAPTER 34. MOVING ON

"Are you really sure in this?" Pang-apat na tanong na iyon ni Yuan kay Yuri.

Nasa airport na sila at hinihintay na lamang ang mga kaibigan na on the way na raw, patungo siyang Korea kung saan niya gustong mamalagi.

"Andito na'ko Kuya,"nakanguso niyang sagot.

"So that means, nagdadalawang-isip ka pa'rin?you can still back out hindi pa umaalis ang eroplano."

"Psh, alam 'kong gusto mo rin 'to,"nakatagilid niyang sabi.

"Ang gusto 'ko ay mamalagi ka sa Amerika kasama 'ko, hindi ang mas lalong mapalayo."

"Malamig 'ron,"mabilis niyang sagot. "Ayoko ngang manganak do'n."

"Gusto mo talagang manganak mag-isa at manirahan do'n?"

Natahimik siya saglit bago nagbaba ng tingin. "Ito actually ang plano 'ko kung hindi ako naglasing nang gabing 'yon,"napangiwi siya at pilit ang ngiti.

Natahimik naman ang kapatid. Dalawang linggo na ang nakalipas at mas lalong lumalaki ang tiyan niya, 7 months at 3 weeks pa ay puwede na siyang manganak.

"Paano na si Ian?"walang alinlangan nitong tanong.

"Gusto 'kong pareho naming bigyan ng oras ang isa't isa, uuwi ako kapag maisipan 'ko...kung mahihintay pa niya 'ko ay nasa kaniya na iyon,"malungkot niyang saad.

Biglang lumiwanag ang mukha ng kapatid, hindi man niya iyon nakita dahil abala siya sa paglingon sa paligid umaasang mahahagip na ng mata ang mga kaibigan.

"So babalikan mo pa'rin siya?"muli siyang napalingon rito.

"Psh, hindi 'ko naman tinuloy ang pag file ng divorce."

"E, bakit ka pa lalayo?"

"Paulit-ulit ka naman Kuya, e." Mas lalo siyang ngumuso nang harapin ito.

"Alam mo namang hardcore ang nangyari sa'kin, syempre gusto 'ko muna ng moment mag-isa...saka fresh pa ang mga nangyari,kung mananatili lang ako dito, patuloy niya 'kong kukulitin at susuyuin...mas lalo akong magigipit, baka hindi pa'ko makapag move on, hindi pa nga ako sigurado kung sino ang Tatay nito e." Kasabay niyang hinawakan ang tiyan.

"Gusto 'kong alagaan ang anak 'ko,"patuloy niya. "At hindi 'ko 'yon magagawa kung puro stress ang makakaharap 'ko rito,"dagdag pa niya.

"Bakit?Wala ka ba talagang maalala ng gabing 'yon?"

Natahimik naman siya.

Kung aalalahanin niya talaga, ang parte lang no'ng nakilala niya si Ian ang tanging naalala niya.

Umiling na lamang siya bilang tugon.

"Kumusta na pala si Ate Ianah?"biglang tanong niya.

"I guess, she's also recovering now." Nag-iwas ito ng tingin at umastang hinahanap din ang mga kaibigan niya.

"Mabuti naman,"sagot na lamang niya.

"Uhm, may galit ka parin ba sa kaniya?"dagdag na tanong niya. Natigilan naman ito.

"There's no hate, I already forgive her the moment I decided to marry someone else." Nakangiti siya nitong tiningnan.

"Psh, tapos no'ng nagkita kayo ulit ang suplasuplado mo pa."

"Tss, I just don't know what to act in front of her."

"'Kala 'ko bitter ka pa e."

"Baka ikaw."

Sumama ang mukha niya."Excuse me?Wala naman akong ex?"pinagtaasan niya ng kilay ang kapatid.

"Tss."

"Asan na ba ang mga bruhang 'yon?"patungkol niya sa mga kaibigan.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon