CHAPTER 02. WEDDING DAY!
Three weeks passed. Mabilis na lumipas ang oras at araw para sa buhay ni Yuri simula no'ng pangalanan ng kaibigan niya ang kuno'y set-up na gagawin.
Sa madaling salita, nangyari nga ang kasal-kasalang sinasabi ng mga ito. Walang gabi na hindi siya umiyak at naglumpasay sa harap ng mga kaibigan niya, nagbabakasakaling may maiisip pa itong ibang paraan maliban do'n.
Pero kahit na anong pagrereklamo niya, wala pa'rin siyang karapatan dahil ang mga ito na ang gumagawa ng paraan para malusutan niya ang gulong ginawa. Isa pa, kaya lang naman siya nagkakagano'n dahil inaalala niya ang kapatid niya.
Ngayon siya naman ang naglilihim rito, pero mas malala siya, ikakasal na nga siya ng biglaan sa lalaking hindi pa niya mahal at kakilala, na alam niyang maging ito rin ay napipilitan lang sa set-up na naisip para maisalba ang sariling kompanya. Pero 'yong worst case niya, magkakaroon siya ng anak.
Napabuntong-hininga siya habang tinitingnan ang hitsura sa malaking salamin. Nakaputing roba siya habang kasulukuyang blinoblower ang buhok niya.
Sa loob ng tatlong linggo na 'yon, sobrang naging busy ang lahat.
Ikaw ba naman kasi ay biglaang magpakasal tapos mag-aayos pa sa loob lang ng tatlong linggo?Nahaggard ang mga kaibigan niya ng sobra, maliban sa kaniya. Hindi naman kasi siya masyadong pinatulong dahil sa sitwasyon niya.
Ang ginawa lang niya siguro ay ang gumising sa umaga para magreherse at ang umiyak tuwing gabi sa harapan ng mga kaibigan habang nagmamakaawa.
Na walang ibang ginawa kung hindi kurutin siya sa singit at ilang beses siyang senermunan. Natigil lang siya nang ipangtakot ng mga ito na kung hindi siya magpapakasal ay wala siyang choice kung hindi sabihin sa kuya niya ang sitwasyon niya.
Which is mas delubyo pa'rin para sa kaniya, kaya wala na'rin siyang nagawa kung hindi ang tumigil.
No'ng bumisita kasi siya sa doktor para magpacheck-up, nasabi nitong 'wag siyang masyado'ng magpapakastress at iwasan ang masyadong paglalabas ng matinding emosiyon dahil makakasama ito sa baby niya.
Kaya hindi na'rin siya tumutol at parang aso na naging maamo at mabait nalang sa mga kaibigan.
Kahit papaano ay Church Wedding ang napagkasunduan, sa totoo lang sa pagrereherse na ginawa niya sa loob ng tatlong linggo. Dalawang beses lang ata umattend ang lalaking iyon.
Ian tsk! Pangalan palang mukhang babaero na
Lagi ang rason nito, busy at may tinatapos na bagong project na under construction.
Kung hindi lang talaga bawal sa kaniya e matagal na niya itong natalakan. Ang kapal ng mukha 'diba?siya na nga itong nakabuntis, siya pa itong busy?ha!kung siya kaya buntisin ko?ay mali, paano naman mabubuntis?
Magkakasunod siyang umiling dahil sa kagagahan na namang nasa isip. Mukhang kailangan niya ring baguhin pati ang ugali niya, magiging ina na siya pero isip bata pa'rin ang utak niya.
"Wala naman kasi sa plano 'to,"napabuntong-hiningang bulong niya.
Ang plano niya ngayong taon sana, matapos siyang iwan ng kuya niya ay pwede na siyang magpakorea!at susundan niya ang mga kinahuhumalingang k-drama actors na sobrang favorite niya. Kung hindi papalarin doon nalang din siya maghahanap ng mapapangasawa .
O 'diba?mas bet pa 'yon kaysa magpakasal sa mukhang mannequin, psh gwapo nga at perfecto na sana e hindi naman marunong ngumiti ang isang 'yon! at 'yong mukha talaga!kung magbabago man ang ekspresiyon ay 'yong nakangisi pa, kaya mas naiinis siya dahil mas nagmumukha itong babaero. Mas lalo tuloy siyang nanghihinayang na sa kasamaang palad siya mapupunta.
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...
![[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)](https://img.wattpad.com/cover/248254391-64-k63682.jpg)