Chapter 5: Agreement

213 49 15
                                    

CHAPTER 05.AGREEMENT

"Sa susunod kung magdedesisyon kang magpakasal, siguruhin mo lang na wala ka nang maiiwan na girlfriend!" galit na angil ni Yuri kay Ian ng makauwi na sila.

Dirediretso siyang naupo sa couch sa sala nila.

"Look, hindi ko siya girlfriend." Huminto ang asawa para harapin siya.

"Ah talaga, kaya tinawag ka niyang love kanina tapos hinalikan pa!na hindi mo naman tinutulan dahil nagustuhan mo,"galit na balik niya rito.

Mas lalong nadagdagan ang pagkainis niya ng tawanan lang siya ng magaling niyang asawa.

May saltik ba'to?

"May nakakatawa ba Mr.Watson?"

"Nothing." Nakangising sagot nito na umayos ng tayo.

"Nothing?"napapantastikuhan niyang ulit habang nakataas ang isang kilay.

"I'm just not used seeing you getting jealous,"nakangising patuloy nito.

Mabilis na napaawang ang labi niya at sandaling natigilan.

Siya nag-seselos?

Hindi!malabo iyon!sino man ang nasa sitwasyon niya ay gano'n din naman ang mararamdaman hindi ba?mabuti nga at nakapagpigil pa siya at hindi na lampaso ang nguso ng babaeng nagtangkang humalik sa asawa niya. Taas noong hinarap niya ulit ito.

"Hindi selos ang tawag do'n, dahil galit ako sa'yo. Alam mo na ngang may asawa ka na nakikipaghalikan ka pa sa iba, at sa harap pa talaga ng anak na'tin." Sa pagkakataong 'yon ay kalmado na siya.

Tama, kalma lang Yuri dahil baka ang asawa mo ang malampaso mo ng wala sa oras.

"I didn't know she will do that." Pangangatwiran nito.

"Well me, neither!"

Talagang napapikit siya sa isinagot nito, habang pinapakinggan iyon ay mas lalo siyang nabubuysit.

Pakiramdam niya ay hindi siya nito sineseryoso.

"Alam mo..."nakapikit niyang sabi kapag-kuwan ay huminga ng malalim saka ngumiti.

"Wala naman talaga akong pakialam kahit na makipaghalikan ka pa sa kung sino-sino diyan,"seryoso at matalim ang titig na sabi niya.

Doon lang ito natigilan.

"But you should try to stay away from your chics dahil baka mabulilyaso pa ang scheme na'to,"patuloy niya.

Bago pa siya magmukhang turo dahil sa pagalburuto ng usok mula sa ilong niya ay dali-dali na siyang tumayo at tinalikuran ito, hindi niya ito pinansin  kahit ilang beses pang tinawag ang pangalan niya.

Tuloy-tuloy siyang nagtungo sa veranda, hinahanap niya si Honey at pilit na inaalis ang imahe ni Ian sa kaniyang isipan.

"Buysit na 'yon! tuwang-tuwa pa na nagseselos ako!"mahinang bulong niya sa sarili na mabilis ding natigilan.

S-selos?hindi ah! kailan ko sinabi 'yon?!

Napapikit siya ulit sa inis at malalim na bumuntong-hininga.

Grabe, mas malala ang panggigigil 'ko kaysa sa mga toxic na kabit ni Park Seo Joon, psh!


Naiwan ulit si Ian sa living room. Nawala ang pilit na ngiti niya kanina at ayo'n na naman ang pakiramdam na may nagawa siyang kasalanan kay Yuri kahit wala naman talaga.

"Why does it have to be me again?"naiinis niyang bulong sa sarili.

Wala naman siyang ginagawa pero laging sa kaniya naibubuntong ang sisi.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon