Chapter 12: Burning Night

147 38 0
                                    

CHAPTER 12. BURNING NIGHT

"It was unexpected, we are all surprised,"mahinahon ngunit nasa tono ang galak na wika ni Kate.

Yuri smiled sweetly, it was an honest expression from her. She could say that it reflects the feelings she's experiencing right now.

"Nagulat din ako,"masaya man ngunit nahihiya niyang sabi.

"Ang sabi niya, gusto niya ulit kaming magpakasal...'yong hindi na talaga kami napipilitan,"natatawa pang pagdurugtong niya.

Wala sa sariling siyang nagbaba ng tingin sa wedding ring nila ni Ian. Na kailanman hindi niya naisip na mabibigyan niya ng importansya pagdating ng panahon.

Dati kasi, tuwing nakikita o napapansin niya ito. Iba ang nararamdaman niya; Lungkot, panghihinayang at ang pakiramdam na nakakulong sa isang sitwasyon na alam niyang mahirap nang makawala. It reminds her how her settled plans was just vanished right after the incident, like it was just taken from her after one mistake, the same mistake she never expected that will change her life into unreturnable for lifetime.

She felt doomed, she felt reckless and disgrace, more of it, she felt so indicent and a total sinner. A person who keep a big secret from her brother and to not earnestly accept the unexpected blessing she was given as a mother as time comes.

Dahil kailanman ay hindi niya naisip na mahuhulog siya kay Ian, na balang-araw matatanggap niya ang kinahinatnang sitwasyon. Hindi niya inakalang ang bangungot noon sa buhay niya ay magiging isang napakalaking biyaya na kahit siya ay hindi makapaniwala.

"Masaya ako para sa inyo, mabuti nalang at nagkakilala kayo ng maayos. Mas makakabuti talaga 'yon lalo na bilang pormal na kayong mag-asawa,"nakangiting wika ni Kate.

"I'm also happy, I always worry about your situation. I asked Kate and Jess if you're fine being in the situation alone. That's why I suggested that the only best way for you to be comfortable with the idea is to fall in love with Ian without forcing you to do so. I'm happy that you find your way to make it happen,"nakangiti si Anne habang nakahawak sa kamay niya. Natutuwa ang puso niya sa mga naririnig.

"But, it's not that I'm opposing about your relationship and being officially together. I'm just concern if you're really sure?kasi hindi naman na'tin maikakaila about Ian's background being a womanizer. I mean, when it comes to that being Man we can't deny that boys always have girls around, ayoko lang umabot sa point na baka magtalo kayo which is normal and about having affair and other girls included. I'm worried that time will come na magkakaroon ka na ng trust issue when it comes to Ian being linked to other girls." Bakas ang pag-aalalang usal ni Jess.

Sandali siyang napaisip sa sinabi nito, ang totoo ay sumagi na iyon sa isip niya. Maraming beses na nagduda siya para sa nararamdaman niya kay Ian, o mas tamang sabihin sa totoong nararamdaman nito para sa kaniya.

Baka kagaya ng iba ay panandalian lang, o baka pagsawaan din siya nito. But the feeling that Ian makes her feel in any way, assuredness, loved and being cared. She can see that, she is not blind to appreciate all those things making her came up with the conclusion that he's in love with her, dahil gano'n din siya. Whenever she see Ian it reminds her the way she is when she's realizing she's inlove. Huli na siguro no'ng mapagtanto niya iyon.

"Siguro nga wala pa'kong masyadong experience pagdating sa mga relationship. Pero alam 'ko at nararamdaman ko naman kung totoo ang isang tao sa'kin o hindi, kung napipilitan lang siya o nakikisabay nalang. 'Yong nakikita ko kay Ian, hindi 'ko masabi na nagpapanggap lang siya at panandalian lang ang lahat ng 'to, kasi dati nakita 'ko kung paano niya'ko pakitunguhan bilang isang babae lang, 'yon lang at wala nang iba, kaya lagi kaming nag-aaway dahil do'n. Nagagawa niya'kong hindi pansinin o balewalain, pero lahat ng 'yon, nakita 'ko kung paano nagbago, at kung paano nauwi ang lahat sa ganito." Nilingon niya ulit ang mga kaibigan. "Kaya 'wag kayong mag-alala, sigurado akong totoo ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. If ever man na merong problema, magsasabi ako." Puno ng sensiridad at tapat niyang sabi. Pilit niyang pinakalma ang sarili at nagpinta ng ngiti sa mga kaibigan.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon