CHAPTER 25. THE NIGHT BEFORE TOMORROW
Nakangiti si Yuri habang pinagmamasdan ang nahihimbing na kapatid, kakagising lang niya mula sa pagkakatulog kanina.
Kinabukasan na at masaya siyang naging maayos ang ginawang operasyon, natutuwa siya at lubos ang pasasalamat sa Doctor.
Wala si Ian dahil kinakailangan nitong umuwi dahil nakauwi ang ate nito. Nais man niyang umuwi ay hindi niya maaring iwan ang kapatid, ayon sa doktor ay maaring mayamaya lang ay magising na ang Kuya niya.
"He's good looking naman talaga, and admire him for being a great doctor,"rinig niyang papuri ni Anne.
Binalingan niya ang mga kaibigan, hindi pa ito nakatulog at hindi rin umalis sa tabi niya. Natutuwa talaga siya na hindi siya pinapabayaan ng mga ito.
Nakangiti siyang lumapit sa mga ito.
"Sinong pinag-uusapan niyo?"nakangiting usisa niya.
"Ewan ko 'to kay Anne, tinamaan ata do'n kay Doc. Eunro psh,"nakasinghal na sagot ni Jess.
"Payo ko lang sayo Anne, 'wag 'yon. Mukha palang parang playboy na,"ngumiwi si Kate at natigilan naman siya.
Muli niyang naalala ang pagpisil na ginawa ng doctor sa kamay niya, at ang kakaibang tensyon ng dalawa kahapon na napansin niya, hindi niya maiwasang magtaka.
"Look guys, I'm just complimenting the guy, he did a great job with the successful operation of kuya Yuan." Pagtatanggol ni Anne sa sarili.
Napailing siya sa patuloy na pagtatalo ng mga ito.
"Bakit? gusto mo ba 'yon?"wala sa sariling tanong niya.
"No, I just met him for the first time." Nakangusong sagot nito.
"Mm, mabuti naman dahil talagang malulungkot si Rocky,"dagdag niya.
Nagugulat itong tumayo at hinarap siya.
"What do you mean?b-bakit naman malulungkot ang bato na 'yon?" Biglaan nitong tanong. Lihim siyang natawa maging ang mga kaibigan niya.
"Ewan ko,"kibit-balikat niya. "Kasi nga diba...ikaw 'yong Annie niya," balewalang sagot niya, natahimik ito saka sumimangot.
"'Wag niyo nga akong tuksuhin do'n." Umupo ulit ito at ngumuso.
"Ayaw mo ba talaga?"si Jess.
"Ang alin?"takang-tanong nito.
"Na tuksuhin ka namin?kasi ang totoo hindi ka namin tinutukso sa kaniya, pero ikaw itong nakakaramdam ng gano'n,"bumungis-ngis pagkatapos si Jess.
"Come on!stop it!"
"Oy wala kaming ginawa,"si Jess na nakataas ang kamay.
"Shh...ang iingay niyo, naririnig kayo ni Yuan," suway ni Kate.
"Sus, oo na if I know 'yong pinang-gagalingan ng pag-alala mo kanina, kasi crush mo pala noon si Kuya Yuan,"mabilis siyang napalingon sa sinabi ni Anne. Nanlalaki naman ang mata ni Kate.
"Tumigil ka nga, sino naman ang nagsabi niyan sa'yo?" Palihim siyang sinulyapan ng tingin ni Kate kaya natahimik siya.
"Secret." Mahinang tawa ni Anne na sinabayan ni Jess.
Gano'n nalang ang padududang tumingin si Kate sa kaniya dahil siya lang naman ang nakakaalam ng bagay na 'yon. Hindi niya lang alam kung saan iyon narinig at nalaman nila Anne, wala naman siyang nababanggit sa mga ito, kaya imbes pansinin ang masamang tingin ng kaibigan ay nagkibit-balikat na lang siya at tumalikod.
![](https://img.wattpad.com/cover/248254391-288-k63682.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomanceNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...