Chapter 17: Hospital

124 19 0
                                    

CHAPTER 17. HOSPITAL

Dahan-dahang iminulat ni Yuri ang mga mata, tumambad sa kaniya ang nakakasilaw na liwanag mula sa puting kisame, nararamdaman niya ang kakaunting hilo at sakit sa ulo. Kunot-noo niyang inilinga ang paningin sa kabuuan ng kuwarto hanggang sa mahagip ng mata niya ang mga kaibigang kaniya-kaniya ang puwesto habang nakaupo sa bench katabi ng kama niya.

"Anong nangyari?"napapaos na tanong niya sa mga ito.

Nagugulat siyang nilingon ni Anne na naunang nakapansin sa kaniya, nagmamadali itong lumapit at ginising ang iba pa.

"Huwag ka munang babangon Yuri, hindi pa maayos ang kondisyon ng katawan mo,"nag-aalalang paalala ni Anne sa kaniya sa balak niyang pagbangon.

Napipilitan siyang muling bumalik sa pagkakahiga.

Napabuntong-hininga siyang pumikit at mabilis ding nagmulat matapos may maalala, awtomatikong napadapo ang kamay niya sa sariling tiyan at pinakiramdaman ito.

"'Yong baby 'ko!anong nangyari sa baby ko?!"mabilis siyang nakaramdam ng panginginig sa buong katawan matapos maalala ang nangyari sa kaniya.

"Your baby is fine Yuri, don't worry." Naunang sumagot si Jess na lumapit sa kaniya.

Sa tanang buhay niya, pakiramdam niya ay doon lang siya pinakanatuwa sa sinabi ng kaibigan. Nakangiti niyang nilingon si Jess habang nangingilid ang luha.

Para siyang hinihingal na muling napasandal at saka pumikit, muli niyang iminulat ang mata nang maalala si Angel.

"Si angel?asan siya?"Muling baling niya sa mga kaibigan.

"Don't worry, that bitch is going to rot in jail." Mahinahon man ay ramdam ang panggigil na sagot ni Jess.

Mabilis na kumunot ang noo niya na nilingon si Kate na kanina pa tahimik, ito naman ang binalingan niya.

"Bakit siya ikukulong?"nagtataka niyang tanong. Kung hindi pa siya ata nakasuwero ay baka kanina pa siya nakatanggap ng isang sabunot mula sa kaibigan. Alam niya ang gano'ong tingin mula kay Kate.

"Ano ka ba naman?! syempre makukulong siya sa ginawa niya sa'yo, tingnan mo nga at muntikan nang mawala ang baby mo!"hindi siya nagkamaling may dahilan ang pananahimik na iyon ni Kate.

Pero hindi niya maiwasang magtaka dahil sa nangyayari.

"Hindi ko maintindihan, wala naman siyang ginawa sa'kin, bakit niyo siya ikukulong?"

"Wala nga siyang ginawa sa'yo pero siya ang dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa'yo Yuri,"sagot sa kaniya ni Anne.

"Alam mo bang delikado ang ginawa niya?sinuhulan niya 'yong mga magnanakaw para lang ipahamak ka. But don't worry, Ian will take care of everything, sinasampahan na niya ng kaso si Angel,"dagdag ni Jess, muli siyang napaayos ng upo.

"Sandali,"pigil niya. Pinipilit na makabangon.

"Ano ka ba Yuri!ano bang nangyayari sayo? Kailanga'ng magbayad ng babaeng 'yon sa ginawa niya!"singhal sa kaniya ni Kate pero hindi niya ito pinansin.

"Hindi, wala siyang kasalanan, guys iurong niyo ang kaso!" Nagkatitigan ang mga ito dahil sa sinabi niya.

Sabay-sabay siyang nilingon at sinimaan ng tingin, sa mga titig palang nito ay tila para siyang babaeng tumakas sa mental na nagwawala.

"Ano bang sinasabi mo?"naguguluhang lumapit sa kaniya si Kate.

"Asan si Ian? kailangan ko siyang makausap." Sinubukan niyang bumangon pero agad siyang pinigilan ni Anne.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon