Chapter 4: Special friend

181 51 5
                                    

CHAPTER 04: SPECIAL FRIEND

Katatapos lang ni Ian magshower kaya paglabas niya ng banyo ay nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi niya habang nakalantad pang itaas na parte ng katawan, naglakad siya papalapit sa kama habang tinutuyo ang basang buhok.

Kahit abala si Ian sa trabaho ay hindi parin niya nakakalimutang e-maintain ang masigla at magandang pangangatawan niya dahil hilig niya ang pageehersisyo. Nagjojogging rin siya tuwing linggo kung off na niya sa trabaho.

Nakita niya si Yuri na abala sa pagkakal-kal ng kung ano sa isang box, napalingon ito sa kan'ya nang marahil maramdaman nito ang presensiya niya.

Gusto niyang rumagaas ng tawa ng bahagya itong matigilan sa ginagawa, nakita niya ang paglunok nito kasabay nang paghagod ng tingin sa kabuuan niya. No wonder, apektado ang masungit niyang asawa dahil halata ang pamumula ng pisnge nito.

"M-magbihis k-ka nga k-kapag h-humaharap ka s-sakin,"nagkadautal-utal na namang sabi nito.

Napangisi siya at hindi na lamang pinansin ito. Nagpatuloy siya sa pagtutuyo ng basang buhok ng bigla ding matigilan, napansin niya ang mga poster ng isang lalaki na nakadikit sa ding-ding nila.

Poster ng koreano? napagtanto niya.

"Wait."Natigilan siya saglit,nahinto naman ito sa ginagawa.

"What are you doing? who's that?"tanong niya, hindi inaalis ang paningin sa poster sa kanilang ding ding.

"'Di mo to kilala?sikat to ah."

Napaismid siya bago nakapameywang na hinarap ito.

"Kung sikat 'yan bakit hindi 'ko kilala?at bakit ka nagpopost d'yan ng mga litrato niya?"seryosong tanong niya.

"Ah.. "nakangisi itong huminto at tumingin sa kaniya.

"Bakit?" Nakasilip itong tumagilid Sia kaniya. "Ang sabi mo kuwarto na'tin 'to. Isa pa, ayaw mo 'kong bigyan ng sarili kong kuwarto kaya magpopost ako ng mga litrato na gusto ko,"ngumuso ito nang hindi tumitingin sa kaniya ng diresto.

Napakunot-noo siya bago ulit tiningnan ang mga posters, tuluyan siyang napaismid nang maramdaman na naman ang inis kanina.

"Bakit hindi nalang ang litrato na'tin sa kasal ang ilagay mo?hindi 'yong kung sino-sinong Poncio Pilato d'yan." Padabog niyang inihagis ang tuwalya sa kama.

Naiilang itong tumitig sa kaniya. "Hindi 'to kung sino-sino lang, okay?"

"E, sino ba 'yan?" Sinikap niyang hindi suminghal.

"Park Seo Joon ang pangalan niya." Napabuntong-hininga nitong sagot.

"Wala akong pakialam sa park soju mo, bakit siya ang ipopost mo d'yan?"

"Park Seo Joon!"pagtatama nito.

"Park Soju!"hindi siya nagpatalo.

Pinaningkitan siya nito saka unti-unting ngumisi.

"Well, mister ko ito lang naman ang karibal mo,"nakangising aniya. Mariing sinulyapan ang poster sa likuran.

"Karibal?"nagsalubong ang kilay niya.

"Yes."

Umawang ang labi niya at magkakasunod na umiling. Naigulo din niya ang basang buhok dahil sa inis.

"Teka nga, parang lahat nalang ng gusto mo ang nasusunod ah,"tiningnan niya ito ng diresto, natahimik naman si Yuri at nakangusong nagbaba ng tingin.

"Mula pa kanina ay ikaw na ang nasusunod,"muling patuloy niya.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon