CHAPTER 9. VACATION
"Ang ganda..."namamanghang usal ni Yuri habang inililibot ang paningin sa kahabaan ng resort ng Batangas kung nasaan sila.
Hindi niya mapigilang mapangiti habang tinitingnan ang maasul-asul na kulay ng dagat at sa sobrang puti ng buhangin na mas lalong nagpapalinaw dito.
Muli siyang napasinghap nang maramdaman niya ang paghawak ng asawa sa kaniyang beywang. Nakangiti niya itong nilingon at muling bumaling sa napakagandang tanawin.
"You like here?"tanong ni Ian, magkakasunod siyang tumango nang hindi ito nililingon.
"Matagal na no'ng magbakasyon kami, ni hindi 'ko na nga ata matandaan, grabe!mas hindi rin ako makapaniwala na sa inyo ito,"tumawa ang asawa dahilan para kunot-noo niya itong lingunin.
"This is actually a private resort, I have a client that want this to buy but I refuse,"sagot ni Ian.
"Bakit naman?"nakangiting tanong niya.
"Because, that time...something came up, making me change my mind,"anito, maamong nakatingin sa kaniya.
Nangunot ang noo niya at may nagtatanong na tinging humarap kay Ian. "I decided that you should have this instead,"nakangiting anito.
Namilog ang mata niya sa pagkagulat saka nalilitong hinarap ang asawa.
"Teka lang, bakit mo naman ito ibibigay sa'kin?hindi 'ko alam kung paano magpapalakad ng ganito, maging turista lang ang kaya ko,"napanguso niyang sabi, napangisi si Ian.
"Don't worry, I'll be here to guide you. Besides, hindi naman kita hahayaang mag-isa sa pag-aasikaso nito. If I don't have much time to run this resort then I'll ask my friend to continue manage this under your name, he will help you out,"natahimik si Yuri, paisa-isang kumurap habang tinitingnan si Ian, hindi niya inaakalang seryoso ito sa sinasabi.
"Uhm..."may pagdadalawang-isip siya para tanggapin iyon.
hello?baka pag-kamalan pa'kong gold digger noh tsk!
"Hehe, 'wag mo nalang ipangalan sa'kin, sa anak mo nalang." Hinawakan niya ang papalaking tiyan at nginitian si Ian.
Nakangiti ang asawa na nagbaba ng tingin sa tiyan niya.
"Did you think of his name?"
"Wala pa, tsaka anong his?hindi pa nga na'tin alam kung lalaki o babae e," nakanguso niya ulit na sabi.
Palihim niyang ipinalangin na sana ay babae nga ang anak, hindi naman sa ayaw niya sa lalaki. Matagal na talaga niyang gustong magkaroon ng babaeng kamag-anak noon paman. Dahil nga kuya lang ang meron siya, naghangad siya kung ano ang pakiramdam na may ate. Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang may maayusan na babaeng anak kagaya ng mga magagandang bida sa Korean novelang kinahuhumalingan niya.
Matunog na ngumisi si Ian saka hinapit si Yuri sa beywang. Napapitlag si Yuri dahil sa kaniyang ginawa.
"I'm sure hon," bulong nito. "Dahil sinagad ko na,"nanlaki ang mata ni Yuri, at tila napapasong kumuwala sa braso ni Ian saka ito hinampas sa balikat, na tawa-tawa lang sa kaniyang naging reaksyon.
"Kidding,"aniya nakangisi pa'rin.
Lumukot ang mukha niya saka ito sinimaan ng tingin."Psh, ikaw!" Dinuro niya ito. "Sana'y ka na talaga sa mga gan'yan noh?"umirap siya saka nakanguso ulit na binalingan ang tanawin sa kanilang harapan.
Tuloy ay bigla niyang naisip ang babae no'ng nakaraan, hindi niya talaga maalis sa isipan ang ginawa nitong paghalik kay Ian.
May nangyari na kaya sa kanila?
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
RomantikNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...