CHAPTER 26. MESCHANTLY
*Knock *knock *knock
Napaangat ng tingin si Yuri nang biglang may kumatok, maging ang mga kaibigan niya na mahinhing nagkukuwentuhan ay napalingon din.
"Ako na,"nakangiting boluntaryo ni Anne.
Pinigilan nito ang akma niyang pagtayo, tipid nalang siyang ngumiti at tiningnan itong maglakad papalapit sa pinto. Naupo naman siya ulit.
"Kayo pala Doc. Eunro,"rinig niyang usal ni Anne. Muli siyang napatayo nang makita ang doktor na pumasok, na agad nagtama ang paningin nila.
Hindi niya maintindihan, pero pakiramdam niya ay nahihiya siya sa doktor o mas tamang sabihin na nakakaramdam siya ng pagkailang tuwing nakikita ito.
Mabuti na lamang ay nariyan ang mga kaibigan niya, kahit papano ay naiibsan iyon, hindi na lamang siya nagpapahalata sa tuwing bumibisita ito. Sa totoo lang, ilang beses na niyang inisip at kinapa ang sarili kung bakit may pakiramdam siyang nararamdaman na gano'n sa doktor. Sigurado naman siyang ito ang kauna-unahang nakilala niya ito.
"Kayo pala Doc,"bumuntong-hininga siyang tumayo ulit, tipid itong nginitian.
"Call me Ivan,"kaswal nitong tugon. Hindi niya inaasahang sa ngiti nito ay panibagong pagkailang ang mararamdaman niya.
Ano bang nangyayari sa'yo Yuri? gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa nararamdaman.
Hindi niya matukoy kung ano ito at 'yon ang mas nagpapainis sa kaniya.
Ngumiti na lamang siya at hindi na pinansin ang gumugulo sa isipan..
"I'm just checking the patient." Nakapamulsa itong tiningnan ang Kuya niya na mabilis nilang nilingon.
"Ah, natutulog pa'rin po siya hanggang ngayon... katulad ng sinabi niyo hinihintay pa'rin po namin siyang magising, pero thank you po ulit...he's table now." Yumuko siya ng bahagya at ngumiti ng malapad.
Mahina itong tumawa. "Drop the po. I'm not old as I look,"nakangiwi siyang nakisabay sa pagtawa nito.
"Hindi rin naman kayo mukhang matanda,"singit ni Anne dahilan para pagtaasan niya ito ng kilay.
"Okay, I'll accept that as a compliment," natatawang sagot nito bago muling bumaling sa kaniya.
"He's going to stay here for a few days for checking time-to-time, so I guess there were more chances that I'm going to visit here as often as I can." Matamis ang wikang sagot nito.
Nangunot-noo man dahil pakiramdam niya ay ang mga naitalagang Nurse ang dapat na gumawa no'n pero ngumiti nalang siya. Baka gano'n lang talaga si Doc. Ivan sa lahat ng mga pasyente nito.
"Marami po talagang salamat Doc,"nakangiting sabi niya ulit.
"You're welcome Ms. Mendez,"anito. Hindi niya mapigilang mapangiwi.
"Mrs. Watson po,"tabingi ang ngiti niyang pagtatama.
"Oh." Napapahiya itong tumawa ng bahagya."I'm sorry Mrs. Watson,"anito na hinawakan siya sa balikat.
Saktong bumukas ang pinto at iniluwa si Ian. Lahat sila ay napapatingin rito ng nakakunot-noo. Napangiti agad siya nang makita ang asawa na may bitbit na paper bag.
Babatiin na sana niya ito nang hindi naman sa kaniya nakatingin si Ian. Nasundan niya ang tingin nito at nakababa iyon sa nakahawak pa'rin na kamay ni Doc Ivan sa balikat niya.
Agad siyang napakilos at napaatras dahil seryoso ang mukha ni Ian, pakiramdam niya alam na niya ang gano'ong ekspresiyon nito. Pero wala siyang balak na pagselosen ang asawa o makitang nagseselos ito. Lalo pa't may nararamdaman siyang kung anong pagkailang sa Doctor o kung pakiramdam niya lang talaga.
BINABASA MO ANG
[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)
Любовные романыNBSB, the perfect word to describe the state of Eurica Daz Mendez a.k.a 'Yuri' as a hopeless romantic girl. She is already twenty-four but she never experienced getting into relationship or being linked to other guys, such us; having sex with anyone...
![[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)](https://img.wattpad.com/cover/248254391-64-k63682.jpg)