Chapter 3: Sweetheart

233 54 4
                                    

CHAPTER 03.SWEETHEART

Nailipat na ang lahat ng gamit ni Yuri, sa napag-usapan nila ay sa Mansion nga ni Ian sila mamalagi, kinakabahan na naman siya kung saan pilit na magiging maayos ang pakikitungo niya sa lalaki.

Paano niya ito haharapin ga'yong hindi niya inaasahang sa isang iglap ay magiging misis na siya at isang ina?

Parang isang pitik lang ay nangyari ang pagbabago sa buhay niya, gano'n pa man kailangan niyang suungin ang gusot na sila mismo ang gumawa, mabuti nalang at nariyan ang mga kaibigan nila para tulungan at alalayan sila sa problema nila, at ngayon kailangan na niyang harapin ang a.k.a bahay-bahayan nila.

"Are you okay?"mula sa likuran ay nilingon niya si Ian.

Naroon na sila sa sala, ang totoo nauna na siya kaya nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot nito.

Hindi rin siya agad nakasagot dahil ito ang unang beses na kinausap siya nito ng kusa.

"Uhm,oo,"nauutal pa na sagot niya.

Mabilis na tumalikod siya rito at muling pumikit.

Grabe!hindi 'ko akalaing may asawa na'ko at magiging Ina pa.

Hindi mawala sa isip niya ang hindi kapani-paniwalang nangyari sa buhay niya.

Muli tuloy siyang napalabi at napalipad ng buhok matapos niyang bumuntong-hininga.

Ito ba 'yong kabayaran sa pagiging single ko ng dalwampo't apat na taon?Instant husband and anakshi agad?

"I think it would be best for you to head first and rest, go now in our room and I'll bring your stuff upstairs."

Mabilis siyang napalingon rito."S-sa kuwarto na'tin?magsasama tayo sa iisang kuwarto?" tanong niya sa pagkagulat.

"Yes, it is one of Kate suggestion remember?baka mahalata ng mga tao rito na nagbabahay-bahayan lang tayo if we are going to sleep in seperate rooms,"kaswal na tugon nito.

Napaawang ang labi niya saka tumalikod at nag-isip.

Wala namang sinabing gano'n si Kate ah?baka naman gawa-gawa lang niya para makasama niya 'ko sa iisang kuwarto.

Naikuyom niya ang palad at sarkastiko itong nginisihan bago inihanda ang nakataas na kilay.

"What?"nagtataka ang tingin nito.

"Hindi, ayoko." Hindi nagbago ang reaksyon nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Tuloy ay naiharang niya ang parehang braso sa katawan at napapalunok na sinimaan ito ng tingin.

"Tss, I'm not going to do anything with you." Umiling ito saka siya tinalikuran dala ang mga maleta niya.

Napaawang ang labi niya at masama ang mukhang ngumuso.

Nang mawala ito sa paningin niya ay inilibot niya ang paningin sa buong bahay.

Para siyang batang naglilibot at namamangha sa bawat mamahalin at sosyaling bagay na nakikita niya.

"Psh!ano ba Yuri?para ka namang dukha niyan kung makanganga." Bulong niya sa sarili saka mabilis ulit na tumingin sa paligid dahil baka may nakarinig sa kaniya.

Isipin pang kasamahan nga siya ni Becky na nakatakas sa Mental.

Muli siyang lumapit sa isang malaking portrait na nadaanan niya.

Family portrait iyon na may nakapangalang Del Watson Family.
Sa tingin niya ay matagal na nga ang portrait nang maigawa dahil lahat sila ay bata pa na naroon, mukhang bata rin ang mga magulang nito.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon