Chapter 33: Instant Goodbye

106 11 0
                                        

CHAPTER 33. INSTANT GOODBYE

"Yuri is on her way here." nakapandihawak niyang nilingon si Kate saka tumango.

"Ian." Naapalingon siya ulit kay Kate nang humarap ito sa kaniya.

"What?"tanong niya.

"May problema ba?kanina 'ko pa napapansing may kakaiba sa ikinikilos ni Yuri,"aniya dahilan para matigilan siya.

"Anong kakaiba?"he asked.

Nasa labas sila ng ICU room, sa mas malapit na hospital nila naidala si Ianah dahil lubos na siyang nag-aalala para sa kapatid.

"Something is wrong with her. May kung ano siyang nalaman na hindi sinasabi sa'min." Nanlulumo siyang nag-iwas ng tingin nang maalala ang sinabi ni Ianah kanina.

"She heard everything, Yuri heard everything."

He don't know exactly what to do, now that Yuri knew about his secret. Even he expected that this day will come he wasn't prepared for it.

"Dumating siya na umiiyak,"muling patuloy ni Kate.

"Namumugto ang luha at tulala, ang sabi niya sa'min namatay ang aso ni Seo Joon, 'yong favorite actor niya sa Korea. Alam kong O.A at obsessed ang kaibigan ko sa pag fa-fangirl pero hindi 'yon sobrang O.A para iyakan ang isang aso." Naglakad ito sa harapan niya.

"Isa pa, dapat kanina pa siya nandito. Siya dapat ang unang mong tinawagan hindi ako."

Honestly, he called Yuri first but his wife's phone is off. Si Kate lang naman siya merong numero kaya ito ang tinawagan niya.

"I assumed there must be a problem." Napa-angat siya ng tingin rito nang marahil mapansin ang pananahimik niya.

Hindi na siya nag-abalang sumagot at tumalikod nalang.

Pero natigilan din siya nang makasalubong si Yuri na kadarating lang.

Pareho silang napahinto, katulad ng sinabi ni Kate ay halata ang pamamaga ng mata nito dahil sa sobrang pag-iyak.

Mas lalo siyang nasasaktan dahil ramdam niya ang mabigat nitong pakiramdam, kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

"Hon,"'yon lang ang kaya  niyang sambitin.

Humakbang siya ng isa papalapit pero kasabay nito ang paghakbang ni Yuri papalayo.

Tanggap na niya ang panglalamig nito, pero hindi niya kayang tagalan. Bagama't inaasahan na niyang mangyayari ito ay hindi pa'rin niya inaasahang gano'n kasakit ang mararamdaman.

"Kamusta ang ate mo?"tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang mas sasakit pa'ron. Ang makitang tingnan ka ng minamahal mo na hindi na katulad ng dati. O 'yong hindi ka na niya kayang tingnan sa mga mata.

Dahil sa mga oras na 'yon ay nakatingin ito sa pintuan ng ICU room, kahit na nakaharap ang katawan nito sa kaniya.

"She's under operation...daplis lang ang nangyari sa kaniya so she's probably going to be okay...hopefully,"mahinang sagot niya.

Naramdaman niya ang paghakbang ni Kate para lapitan si Yuri.

"Anong nangyari sa'yo?"mahinang tanong nito pero hindi manlang nito sinagot ng asawa.

"Hon,"muling pagtawag niya. Puno ng pag-aalinlangan at takot.

Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na tawagin itong gano'n.

Muli sana siyang hahakbang para lapitan ito ng tumingin ito sa kaniya ng diresto, dahilan para maestatwa siya.

Saka ito ngumiti.

[Completed]The Best Mistake(Mistaken Series #01)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon